FIRST KISS

1625 Words

"ARE you sure na sasakay tayo ng bump car?" tanong uli ni Carol kay Daryl. Iyon agad ang naisip ni Daryl na sakyan nila nang makarating sila sa Funny World. "Bakit hindi?" natatawang tanong ng binata. "Alam mo na favorite ko 'yan simula noong mga bata pa lang tayo, 'di ba?" Tumingkayad siya para bulungan ito. Marami kasing taong nakapaligid sa kanila. Nahihiya siya na baka may makarinig. "Baka hindi na tayo magkasya. Ang laki ko na, eh." Natawa ang kaibigan sa sinabi niya. "Kakasya 'yan, sexy naman 'tong kasama mo, eh. Kung hindi, eh, 'di kandungin mo na lang ako," biro nito. "Baliw!" At saka niya ito tinampal sa braso. "Gosh, baka bumigay ang bump car kapag sumakay siya. Kawawa naman ang may-ari nitong Funny World. Malulugi sa kaniya." Narinig nilang wika ng katabi nilang babae.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD