LUMIPAS ang buwan at nanatiling sikreto ang pagmamahalan ni Carol at Daryl. Palagi silang magkasama na hindi nabibigyan ng ibang kahulugan ng kanilang mga magulang dahil masiyado silang maingat. Kaso may pagkakataon lang talaga na hindi napipigilan ni Daryl ang maging extra sweet sa kaniya. Minsan pa nga ay ninanakawan siya nito ng halik kapag nalilingat ang mga tao sa paligid nila. Sa mga simpleng bagay na iyon siya lalong nahuhulog kay Daryl. Mga masasayang sandali na nakakapagpalimot sa kaniya at para balewalain ang ipinayo sa kaniya noon ni Allison. Tuluyan na siyang nilunod ng kanilang pagmamahalan. "Jogging tayo nang jogging sa umaga pero parang hindi naman yata ako pumapayat," pagrereklamo ni Carol nang makarating sila galing sa pag-e-exercise. Isa iyon sa morning bonding nil

