KINAGABIHAN ay nagyaya si Xander na maglasing. Hindi naman ito pinalagpas ni Baldwin. Mautak siya pagdating sa inuman. Lalasingin muna niya ang kasama bago siya tatakas. Nasa swimming pool silang dalawa at una’y nagpaligsahan sa paglangoy. Pagkatapos ay tumambay sila sa cottage at doon pinagsaluhan ang isang bote ng bourbon. “What Agatha said to you?” tanong nito nang makaisang shot ng alak. Katapat niya ito at pareho silang underwear lang ang suot. “She’s mad at me after I convince her to marry you,” aniya. “Ano ba ang sinabi mo?” “Like what you said. Na babagsak ang kompanya kung hindi siya magpapakasal sa iyo.” Umiling ito. “At ano ang ginawa niya?” “Sinampal niya ako at sinuntok sa dibdib, tinadyakan kaya bumulagta ako sa sahig. Sinakyan pa niya ako at pinagsusuntok sa dibdib,”