HININTAY ni Baldwin na makapasok sa study room si Xander bago niya ito nilapitan. Nakaluklok ito sa harap ng lamesa at tulalang nakatitig sa laptop. Inilapag niya sa tabi ng laptop nito ang sobrang pera at mga resibo. “Ikinakabit na ang air-con sa kuwarto mo,” sabi niya. Sinipat lang siya nito, seryoso. Umalon ang dibdib nito saka sumandal nang maayos sa headrest ng silya. “Can you talk to Agatha, Blandon?” anito. “Ano naman ang sasabihin ko?” “Ipaintindi mo sa kaniya bakit kailangan niyang magpakasal sa akin. It’s for the future of Shaturi Group of Companies.” Or for your future, asshole? Ngali-ngali niyang sabihin. “I can’t promise to convince her but I will try my best,” aniya pagkuwan. “Thanks. Please do it for me. Once pumayag siya, dudoblehin ko ang sahod mo.” Kahit triplihin