MASYADONG mababa ang kama at may katigasan kaya ayaw rito ni Agatha. Nang hilahin siya ni Blandon palapit sa kama ay itinulak niya ito. Napalakas ang pagtulak niya at ito ang napahiga sa kama. Pero nang humakbang siya ay napatid ng paa nito ang mga paa niya. Nag-landing siya rito, at sa luwag ng kama ay sumakto ang bagsak siya sa ibabaw nito. Awtomatikong tumulin ang t***k ng kaniyang puso nang sumadsad ang kaniyang dibdib sa matigas nitong dibdib. Nakaahon kaagad ang ulo niya mula sa pagkasubsob sa leeg nito pero naparalisa rin siya nang hilahin ng malagkit nitong titig ang paningin niya. She has seduced by his wild gaze that instantly pulled her head back on his face. She just felt his warm hand caressing her spine, leaving a heat that suddenly aroused her lust. Natutukso na naman siya