Chapter 4

2322 Words
NALIPASAN na ng gutom si Baldwin. Natagalan siya sa palengke sa kakahanap ng sangkap para sa halo-halo. Lulan na siya ng kotse nang tumunog ang kanyang cellphone na nasa dashboard. Pinindot lang niya ang answer key at sinalpakan ng earphone. Si Blandon ang tumatawag. “Yes, bro?” aniya. “Natawagan ko na si Aleng Helen, payag na siyang magsilbi ulit kay Agatha basta dito lang sa Pilipinas. Nasa Ilocos Norte pa siya ngayon. Kapag dumating ang perang padala ni Xander, padalhan mo ng pamasahe ang ginang,” sabi ni Blandon. “Good. May budget pa namang binigay si Xander, good for one month. At saka, darating sa mansyon next week ang manager ng business ni Misuki para makilala nang personal si Agatha. Ang sabi ni Xander, ang income sa negosyo rito sa Pilipinas ay ipapasok na sa bank account na bubuksan para kay Agatha. Malamang, tuturuan pa ang babae kung paano humawak ng pera.” “Naku, problema ‘yan. Hindi alam gamitin ni Agatha ang pera. Hangal talaga ‘tong si Xander, ginawang tanga si Agatha.” Nagtagis ang bagang niya. “Pag-aaralan natin ‘yan nang mahuli ang galaw ni Xander.” “Need natin si Aleng Helen, may makukuha tayong impormasyon sa kanya since matagal siyang tumira sa mansyon sa Tokyo.” “Sige, sabihin mo na lang sa akin ang complete name ng yaya ni Agatha, contact, address para ipadala ko na ngayon. Kailangan na talaga ng kasama ni Agatha.” “Sige. Send ko sa ‘yo sa messenger. Kumusta si Agatha?” “Ayon, nagkalat ng sago.” Humagalpak ng tawa si Blandon. “Grabe, hindi ko rin ini-expect na ganyan pala kalala ang ignorance niya,” komento nito. “Pero may mali talaga, bro. I think Xander intended to raise Agatha in a not typical environment. Walang problema kay Agatha, talagang hindi lang siya nabigyan ng laya na mag-explore. Limang taon lang naging yaya ni Agatha si Helen at kailan lang sila nagkasundo, kaya late nang naturuan ng mga bagay-bagay ang dalaga,” sabi niya. “Oo nga eh. Pinag-aaralan ko rin ang sistema. Pero maganda ‘yang napapalapit ka kay Agatha, marami kang makukuhang impormasyon tungkol kay Xander. Maaring sinadya talaga ni Xander na kontrolin ang development ng isip ni Agatha para malaya nitong makontrol ang lahat ng business ni Mitsuki. Siyempre, kapag nasa matinong pag-iisip si Agatha, mawawalan na ng karapatan si Xander dahil awtomatikong si Agatha ang hahawak sa businesses. Ang masama nito, baka lalong maging agresibo si Xander. Kaya tama ang suhesyon ko na dalhin dito si Agatha baka maisip ni Xander na saktan, or worst patayin si Agatha.” “You’re right, bro. But we need more evidence to prove our accusation to Xander. Hindi tayo maaring padalus-dalos. Kahit obvious na interesado talaga siya sa yaman ng mga Shaturi, hindi natin masabi kung may kinalaman ba siya sa pagpatay kay Mitsuki. Isa pa, nadamay si Agatha sa ambush, meaning, pakay talaga ng mga suspect na ubusin ang pamilya ni Mitsuki.” “May point ka. Bro. Alam mo, matalino ka rin kaso gago ka lang,” ani ni Blandon saka tumawa. Nag-init ang bunbunan niya. “Hanagl! Pareho lang tayo ng capacity ng utak!” asik niya. Tumawa ulit si Blandon. “Mas matalino ka sa akin, bulakbol lang.” “Oo, hindi ako katulad mo na mapusok, naloloko ng babae.” “Ikaw naman ay nanloloko ng babae. Opposite talaga tayo, bro.” “Siraulo! Kailan ako nanloko ng babae?” “Ask yourself. Oh sige na, update mo na lang ako.” Naputol na ang linya. Nang pinadala na ni Blandon ang contact information ng yaya ni Agatha sa messenger ay dumiretso siya sa remmitance center. Nagpadala siya ng pera sa ginang para pamasahe nito. Nag-text din siya sa cellphone number nito at sinabi na susunduin niya ito sa bus terminal. Mabuti pinakita sa kanya ni Blandon ang latest picture ng ginang. Baka ibang tao ang makuha niya. Pagdating niya sa mansyon ay nadatnan niya sa salas si Agatha na tutok na tutok sa painting na nakasabit sa gilid ng hagdan. Tiningnan niya ang painting. Abstract art iyon na magulo, makulay pero kung titigan ay mailalarawan ang babae na may kargang sanggol. “Hey!” tawag niya sa atensyon ng dalaga. Kumislot ito at marahas na lumingon sa kanya. “Ikaw pala,” nakangiting sabi nito. “Yes, dala ko na ang sangkap para sa halo-halo.” “Yeey!” Akmang lalapitan siya nito pero iniharang niya ang kanyang palad. “No hug,” paalala niya. Huminto ito may isang dipa ang layo sa kanya. “Thank you!” sabi lang nito. “Sige na, titigan mo na ulit ang painting.” “Ah, eh, kasi hindi ko alam kung ano ‘yon. Parang mga tao.” “Oo, image iyon ng babae na may kargang bata. Mother and child ang concept ng painting in an abstract design.” “Ha?” maang nito. “Ah, hindi bale. Sige, tutuloy na ako sa kusina,” paalam na lamang niya. Bumalik naman sa tapat ng painting ang dalaga at pinakatitigan ito. Ang weird talaga nito. Pagdating sa kusina ay naabutan niya si Aleng Lokrang na may hinahalukay sa maliit na kaserolang. Mariing kumunot ang noo niya nang makita ang isang bowl na s**o na naluto na. Nakahain ito sa lamesa at may pulang asukal sa ibabaw. Inilapag niya sa lamesa ang supot ng pinamili niyang sangkap para sa halo-halo. “Bakit ang daming s**o?” tanong niya sa ginang. “Ah, kay Ms. Agatha iyan, sir. Pinapapak niya iyan kanina kaso biglang nawala. Lumabas ata,” anang ale. Napakamot siya ng ulo. “Ang dami naman nito. Mauubos ba niya ito?” “Katunayan pangalawang salin ko na iyan. Heto at nagluluto ulit ako ng sago.” “Ano?” Napanganga siya. Natawa si Aleng Lokreng. “Ang kulit pala talaga ng dalagang iyon. Malakas din pala siyang kumain.” Napangiwi siya. Mukhang stress talaga aabutin niya kay Agatha. And speaking of the devil, she’s arrived. She sat on front of her s**o and eat it while looking at him innocently. Nakatayo lang siya sa tapat nito habang isa-isang inilalabas sa supot ang mga pinamili niya. “What is that, Blandon?” curious nitong tanong nang makita ang hawak niyang nakaboteng sweet beans. “Ah, it was sweet kidney beans,” tugon niya. “Kidney? Hindi ba parts iyon ng internal organs ng tao? Iyon ‘yong imbakan ng ihi, eh. Napanood ko iyon sa movie.” Gusto niyang matawa ngunit pinigil niya ang sarili. “Yes, but this one was a kind of food, too,” sabi na lamang niya. Namilog ang mga mata nito. “You mean, a kidney was a kind of food? But that was so small. Ah baka, kidney iyan ng palaka!” Napabunghalit siya ng tawa. Pati si Aleng Lokreng ay natawa. Nang makitang nakasimangot na ang dalaga ay tumigil siya sa pagtawa, baka batuhin na naman siya nito ng s**o. “Sorry,” aniya. “What’s funny then?” masungit nitong tanong. “Wala naman. Pero itong sweet beans ay hindi kidney ng palaka. Kahugid lang ito ng kidney kaya tinawag na kidney beans.” Binuksan niya ang bote. “You want to taste it?” aniya pagkuwan. Ngumiti na ito at tumango. Kumuha naman siya ng kutsara at kumuha ng sweet beans saka inilagay sa bowl ng s**o ni Agatha. Kaagad naman itong kinain ng dalaga. “Hm! Ang sarap! I want more!” excited nitong sabi. Dinagdagan pa niya ang sweet beans nito. Mabuti dalawang bote ang binili niya. Habang abala sa pagkain nito si Agatha ay tumulong siya sa pagbabalat ng hinog na saging na saba para gawing minatamis. Matagal na rin siyang hindi nakatitikim ng halo-halo. Hindi rin siya mahilig sa sweets kaya bihira siya kumakain nito. Nang maluto na lahat ng sangkap sa halo-halo ay nagpatimpla ng marami si Agatha. Hindi nakatanggi si Baldwin nang pilitin siya nitong kumain. Natulala siya habang kasabay kumain ang dalaga. May secret pocket ata ito sa bituka, parang hindi nabubusog. Dinaig pa siya. She’s impossible. Nakaubos ito ng dalawang mangkok na halo-halo na malalaki. Maya-maya ay nagreklamo ito na kumukulo ang tiyan. Bigla itong tumayo at tumakbo palabas ng kusina. “Okay lang kaya siya?” tanong pa niya kay Aleng Lokreng. “Nasobrahan ata siya sa kabusugan, sir,” anang ginang. Inubos lang niya ang kaniyang halo-halo at tumulong sa pagliligpit ng kalat. May tira pang halo-halo sa mangkok ni Agatha, mukhang hindi na kinaya ng dalaga at bumigay na ang sikmura. Hindi pa rin siya makapaniwala na ganoon katakaw ang babaeng iyon. “Ako na ang bahala rito, sir. Magpahinga ka na,” ani ni Lokreng. Umupo naman siya sa silya katapat ng lamesa at uminom ng tubig na hindi malamig. Pakiramdam kasi niya ay namamaga ang kaniyang lalamunan. Hindi rin siya mahilig sa malalamig na inumin. Kung iinom siya ng alak, hindi siya naglalagay ng yelo. Mamaya ay biglang sumigaw si Agatha. Napatayo siya at tumakbo palabas ng kusina. Nasa second floor ang dalaga, sa kuwarto nito. “Help!” sigaw nito. Mabuti hindi naka-lock ang pinto ng kuwarto nito. Diretso ang pasok niya. Kinalampag niya ang pinto ng banyo. “Ano’ng problema, Agatha?” pasigaw niyang tanong habang kinakalampag ang pinto. Ayaw niyang pumasok baka kung ano ang makita niya na hindi dapat. “Help me!” sigaw nito. “Open the door!” “No, I can’t! There’s a monster lizard here!” Napaisip pa siya. “Monster lizard?” “Help me, Blandon!” Nag-alangan siyang pumasok. Nang tumili na naman ito ay napilitan siyang buksan ang pinto. Saktong pagpasok niya ay lumipad sa kaniya si Agatha at parang tuko na yumapos. He froze as he realized that she was naked. He could feel the soft mounted part of her breasts rubbing against his chest. Para siyang natuklaw ng ahas at hindi makakilos kahit nasa uluhan na niya ang totoong tuko. “Ano ba? Lumabas na tayo!” pumipiksing sabi ng dalaga. Nakasubsob ang mukha nito sa leeg niya. Hindi niya ito magawang hawakan. Nakaangkla ang mga paa nito sa baywang niya, at mga kamay na lumingkis sa kaniyang leeg. Tumalon-talon pa ito kaya nasampal siya ng s**o nito. “Let’s go out!” umiiyak na sabi nito. Napaatras siya palabas ngunit hindi ito hinahawakan. Pakiramdam kasi niya ay nagtayuan lahat nang dapat tumayo sa katawan niya. Hindi nga siya nagkakamali, tumayo na rin ang sandata niya. Naihagis niya sa kama si Agatha saka siya tumalikod at pumasok sa banyo upang hulihin ang tuko. “Tangina!” malutong niyang mura nang mahimasmasan. Ayaw nang lumambot ng alaga niya. Ginugupo siya ng init udyok ng pagnanasa. Bago niya hinuli ang tuko ay pinakalma muna niya ang kaniyang sandata kahit masakit sa puson. Panay ang pagmumura niya. Umukilkil sa kukoti niya ang hindi inaasahang senaryo. Tila nakayakap pa rin sa kaniya si Agatha at ramdam niya ang init ng katawan nito, lalo ang lambot ng dibdib na sumampal sa kaniya. “Binabangungot na ata ako dahil sa ilang buwang walang s*x,” maktol niya habang hinuhuli ng damit ang tuko. Ginamit niya ang hinubad na damit ni Agatha. Nang mahuli ito ay ipinasok niya ito sa walang lamang trashcan. Nag-alangan pa siyang lumabas ng banyo sa isiping baka nakahubad pa si Agatha. Sumilip muna siya sa awang ng pinto. May suot ng underwear ang dalaga habang nakaluklok sa gilid ng kama. Lumabas na siya dala ang trashcan na tinakpan ng damit. Napaakyat sa kama ang dalaga at takot na takot. “Okay na, nahuli ko na. Itatapon ko na ito sa labas,” sabi niya. Hindi niya ito sinipat. “I think there’s more inside. Baka may mga anak siya,” anito. “Wala na. Titingnan ko rin ang ibang kuwarto kung meron. Matagal kasing walang nakatira rito kaya binahayan ng tuko.” “Tuko?” “Yap. Tuko ang tawag dito.” Nang hindi na ito umimik ay lumabas siya ng kuwarto. Pinatapon niya kay Mang Armando ang tuko sa labas ng lupain upang huwag nang bumalik. Tiningnan din niya ang ibang pasilidad ng bahay. “Blandon!” sigaw ni Agatha. Napakamot siya ng ulo. Walanghiya talaga itong kakambal niya. Baka kaya nito pinaubaya sa kaniya si Agatha ay dahil sa hindi nito kaya ang trabaho. Dahilan lang nito ang asawa at trabaho. Napasugod siya ulit sa kuwarto ni Agatha. Namumutla ito habang pabalik-balik sa harap ng palikuran. Underwear pa rin ang suot nito. “Ang sakit ng tiyan ko,” reklamo nito. Katakawan mo ‘yan, ngali-ngali niyang sabihin. “Nadudumi ka ba?” tanong niya. “Ha?” “Napupopo ka ba?” “Oo. Kaso natatakot ako, eh! Samahan mo ako!” ungot nito. “s**t!” Nilapitan siya nito at hinatak papasok ng banyo. Tumakbo ito sa inidoro at naghubad ng pan-ibaba saka umupo. Aalis na sana siya. “Don’t leave me! Isusumbong kita kay Xander!” anito. Napako ang mga paa niya sa tapat ng pintuan pero nakatalikod siya rito. Napatakip siya ng ilong nang magpasabog ang puwit nito. Lahat na ata ng pagmumura nausal na niya. “Put-tangna!” impit niyang mura. Dinukot niya ang kaniyang cellphone na nasa bulsa ng kaniyang pantalon. Nai-dial niya ang cellphone number ni Blandon pero walang sumasagot. Gusto niyang magwala. “Ang sakit pa rin ng tiyan ko, Blandon,” reklamo ni Agatha sa malamyang tinig. Bigla siyang kinabahan. Nang harapin niya ito ay tapos na at nagsuot na ng undies. Lalo itong namutla. Kinuha niya ang tuwalya na nakasabit sa likod ng pinto saka ibinalot sa katawan nito. Inalalayan niya ito palabas ng kuwarto. “Ilang beses ka nang nagbawas?” usisa niya. “Five?” matamlay nitong tugon. “s**t! Dadalhin na kita sa ospital!” Tinawag na niya si Aleng Lokreng. Pinabihisan niya rito si Agatha saka inihanda ang sasakyan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD