TULUY-TULOY na ang recovery ni Baldwin. Matapos maikuwento sa kaniya ni Blandon ang nangyari sa kaniya ay abot-abot ang sermon nito sa kaniya. Pero kahit ganoon ito, ramdam niya ang pag-aalala nito at pagmamahal. Kamuntik na nga pala talaga siyang mamatay. “Hindi ko kaya kung tuluyan kang mawala, Baldwin,” ani ni Agatha na ayaw pa ring bitawan ang kamay niya. Nakaupo ito sa gawing kanan niya. “Hindi madaling mamatay ang masamang damo, Agatha. Ilang bala na ang bumaon sa katawan niyan, hanggang ngayon buhay pa naman,” sabad naman ni Blandon. Katabi nito sa sofa si Lily. Ngumisi siya. “Sabi ko naman sa iyo, may sa pusa ang buhay ko,” aniya. “You’re bad, Baldwin,” si Agatha. Naksimangot ito. “Bakit naman?” amuse niyang tanong. “Malubha na pala ang kondisyon mo pero pumunta ka pa rin sa

