FOURTY(ONE): "She's the most legitimate reason." [Zander's POV] "Yang babae, anong ginagawa niya rito?" itinuro ko ang babaeng pamilyar nang mapadaan ako sa ground floor at makuha ang atensyon ko ng nasabing babae habang nakatayo siya sa harap ng HR Department ng Wynnfor Apparel. "Ah, 'yan po, General Manager? Isa po sa mga nag-a-apply na makapasok bilang fashion designer natin." I looked at her from head to toe. Hindi ko pa siya nakakasama ng matagal pero sa tindig, alindog at ganda niya kilalang-kilala ko siya... mula ulo hanggang paa. "Gano'n ba?" patuloy kong tanong sa kausap habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa babaeng kuhang-kuha ang buong atensyon ko. So, she's applying as one of my fashion designers, huh? Exciting... "Opo, sir." Bahagyang tumaas ang kilay ko nang maw