THIRTY-THREE: "Tutulungan kita. Hindi kita pababayaan..." MR. WYNNFOR whose still handsome in his early 50s smiled as well as he extended a hand on me. "Nice meeting you, hija." Nakipagkamay din ito sa kapatid ko ganoon din sa ina kong katabi ko. Ganoon din ang ginawa ng kasunod na lalaking pinakabata sa kanilang tatlo. Ang anak nilang si Zander Wynnfor. The latter extended his hand on me and I accepted it. Electricity gushed through my blood as our skins touched. Damn it. "So, it seems like magkakilala na pala kayo ng anak ko?" magiliw at mabait na tanong ni Mrs. Wynnfor sa akin. Tiningnan ko si Zander at tumango sa ginang. "Opo. Nagtrabaho ako sa Wynnfor Apparel last month." "Ay talaga? Kaya pala... anong naging trabaho mo do'n, hija?" "Sekretarya po." mahinang usal ko sabay sulya