THIRTY-ONE: "Beautiful fairytale but has ended now..." Hindi nagtagal ang pananatili namin sa Hongkong at dumating din ang araw ng pag-uwi sa Pilipinas pero syempre bago ang flight namin, sinulit muna namin ni Zander ang mga araw na nasa ibang bansa kami. Namasyal sa kung saan-saan pang tourist spots at syempre nag-enjoy kasama ng isa't-isa. "Sasha, we're here." nagising ako nang marahan niya akong kinakapkap. Tumingin ako sa bintana ng kotse at nakitang nasa tapat na kami ng apartment ko. Parang kailan lang. Ang dali talaga ng oras at panahon. Parang kani-kanina lang nasa Hongkong pa kami, ngayon nandito na ulit kami sa San Pablo. Inangat ko ng ulo ko mula sa pagkakapatong nito sa balikat ni Zander. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa biyahe. Napatingin din ako sa mga kamay nami