"PASENSYA ka na, Scar ha? Naabala ka pa tuloy sa gulong nagawa ko." hinging-depensa ko kay Scarlette nang naglalakad kami papunta sa katapat na restaurant nu'ng DC Resto. "Naabala ka rin naman, and besides, it's very clear na hindi ikaw ang nag-umpisa ng gulong 'yon kundi sila. Hindi mo ginusto ang nangyari kaya wala kang kasalanan, Sasha." mabait niyang tugon. Pumasok kami sa restaurant at masasabi kong mas sosyal ang ambiance dito kaysa sa doon sa restaurant na pinanggalingan namin kanina. "Nag-aalala ako kasi nadamay ka pa-" "Sasha." she stopped me smoothly. "It's okay. Ginawa ko lang ang dapat kong gawin. Hindi ko naman makakayang tumunganga nalang doon at panuorin ka habang pinagtutulungan ng dalawang mga bruhang 'yon. You don't deserve such treatment, wala ka namang ginagawang ma