TWENTY-NINE: "Silhouette on his timeline." "STILL not feeling well?" Zander asked me after I drank a bottle of water. Naupo ulit siya sa tabi ko pagkatanong sa akin. Hinahapo-hapo pa rin kasi ako kani-kanina kaya nagpresinta na siyang bilhan ako ng tubig. Hindi naman nagtagal at nakabalik siya't nabilhan niya ako. Ngayon, mas naging maayos na ulit ang pakiramdam ko. Nginitian ko siya. "Okay na 'ko. Salamat." "Ano? Sakay ulit tayo ng panibagong rides?" nangaasar niyang tanong sa akin habang nakakaloko ang ngisi. Pinanliitan ko nga ng mga mata. "Gusto mo talagang mahimatay ako 'no? Hilong-hilo na nga yung tao!" Humalakhak siya. "Nagbibiro lang ako. Halika na, kain nalang muna tayo." Nagpatianod ako nang dinala niya ako sa isang restaurant. Pagkapasok pa lang namin ay hindi ko inaasa