Fight Pabaling-baling ako sa kama at 'di dalawin ng antok buhat ng maka-uwi galing sa date namin. Wala sa loob na hinaplos ko ang labing kanina lang ay halik-halik ni Dawzon. Hindi ko maiwasang mapapikit habang sinasariwa ang tamis ng halik na iyon. Tumunog ang aking cell phone na agad kong kinuha. Isang text galing kay Dawzon ang natangap ko. "Goodnight my beautiful Belle." Napangiti ako sa nabasang mensahe, pero agad ding napawi ang mga iyon matapos ay sunod-sunod na umiling. "No! He's a certified playboy, a f**k boy, manloloko at higit sa lahat isasama ka lang niya sa bilang nang nagiging babae niya," mahina kong bigkas at agad binura ang mensahe nito sa'kin. Hindi ako dapat mahulog sa isang katulad niya. madiin kong bulong sa sarili bago ipikit ng husto ang mga mata para sa hul