Kabanata 32 Just Love "Lara!!" Napalingon ako sa tumawag saakin, dahilan para umikot ang mata ko sa kaniya. "Uy girl ikaw ha, nakakatampo kana! hindi ka man lang nag kukwento saamin kung ano nang ganap sa buhay mo!" Tinusok pa nito ang tagiliran ko nang maabutan ako sa pag lalakad. "I'm okay Japs." Iyon lang ang sinagot ko. "Huss? Yung totoo? May hindi ka sinasabi saamin, i know." Nagtaas lang ito ng kilay saakin. "I don't want to talk about it right now Japs." Sumulyap ako sa kanya na malamlam ang mga mata. "Anong tingin yan?" Lumingon muna ito sa paligid matapos ay bumulong. "May problema ba kayo?" Paanas niyang bulong saakin. Pumikit ako sa kanya, hindi ko na alam kung ano ba ang gagawin ko, mula kasi nang nag-away kami ni Dawzon ay hindi narin kami nagpansinan sa bahay. Late n