Love letter Hanggang paghiga ay hindi ako pinatulog nang nangyari saamin ni Dawzon kanina. Lubos kong pinagsisisihan na pumayag akong magpalit ng damit sa harapan niya mismo. Tumingala ako sa night stand nang marinig na tumunog ang aking cellphone. My heart jackhammering as I note his familiar digit number. Nagtalukbong ako ng kumot dahil hindi kayang sagotin ang tawag nito. Hiyang-hiya ako at hindi alam kung paano ito pakikiharapan bukas. MABIBIGAT ang matang dumilat ako kinabukasan, mukhang sinamaan akong pakiramdam dahil sa pagkakabasa ko kahapon. Gayon paman ay pinilit kong bumangon para maligo at bumababa na para mag-almusal. "Mom, anong oras po kayo umuwi kagabi?" tanong ko dito na habang sumusubo ng omelette na gawa niya. "Alas diyes na siguro, traffic kasi sa San Gabriel.