"BOSS, please forgive me for asking. Hindi ba maganda ang pakiramdam mo?"
Sa boses pa lamang ay halatang balisa na si Omar.
Aba'y sino ang hindi mababalisa kung ang bossing mong bahing nang bahing ng umalis kayo ay inisip na pinag-uusapan! At sa kasalukuyan ay biglang liko sa daan.
"You have followed me since we were at the street and living as a beggar together with Ahmad. Ngayon ay bilangin mo kung ilang taon na tayong magkasama sa hirap at ginahawa," bagkus ay tugon nito.
Kaso dahil hindi naman niya agad-agad nakuha ang ibig sabihin ng amo ay napakamot siya sa ulo.
"Tsk! Tsk! Huwag mong sabihing kinalawang na ang iyong utak, Omar?"
"How about you, Ahmad? Hindi mo rin ba nakukuha ang nais kong ipabatid sa inyong dalawa?"
Pinaglipat-lipat tuloy nito ang mukha sa kanilang dalawa. Nakataas pa ang kilay na wari'y kakainin silang buhay!
Aba'y kasalanan ba nila kung hindi sila kasing-talino ng kanilang amo!
SAMANTALANG lihim na napangiwi si Mustafa. Halatang walang pumapasok sa utak ng dalawa sa mga pahayag niya. Kaya naman ay mas minabuti niyang ipaliwanag ng maayos.
"Pumurol na nga ang utak ninyong dalawa. Ganito lang iyan kasimple. I let them lower their guard down. Hinayaan ko silang mag-isip na kumagat ako sa patibong nila. Remember that leaking information is also a form of technique to defeat them. Ang ibig kong sabihin ay ginamit ko lang din ang kanilang paraan. I intended to let them know that I'm going to Cappadocia. Nakuha n'yo na ba ang ibig kong sabihin?"
Subukan lang nilang sumagot ng hindi at talagang iiwan niya sila sa mismong airport!
"I got it, bossing. Pero nagtataka pa rin ako kung sino ang espiya sa grupo natin at taga-hatid ng balita sa Cappadocia. Aba'y sa layo ba naman ng---"
"Tsk! Tsk! Maari bang paganahin mo rin minsan amg iyong utak, Ahmad? Aba'y nasa modernong pagkakataon na tayo. Ibig sabihin ay maaring gumamit ng internet o tumawag. Ganoon lang iyon---Ah, tama nga naman. Kahit mayroong internet kung walang espiya na taga---My goodness! Alam ko na, bossing!"
Boom, panis!
Tuluyan ng hindi natapos ni Omar ang sinasabi. Samantalang pinutol nga nito ang pananalita ng kasama.
"Kung ano ang nasa isipan mo ay iyon na, Omar. Huwag mo ng sabihin. Dahil siguradong sa oras na ito ay nakapag-report na sa Cappadocia. At kung gusto n'yong mahuli kung sino ito ay ang piloto ng chopper ang tawagan ninyo. Maiiwan itong sasakyan dito sa airport. Balikan nyo na lang bukas."
Naging maagap siya. Hindi niya hinayaang maisatinig pa ng tauhan ang nasa isipan nito.
Ilang sandali pa ay nasa himpapawid naman silang tatlo. Hindi niya hahayaang may magtagumpay sa mga ito.
Kaso!
Ang hindi niya alam ay ang babaeng pinapantasyahan ang pinuntirya nito. Nasa rooftop na sila ng mansion ng maisipang magbukas ng monitor gamit ang cellphone. At ganoon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata. Dahil kitang-kita niya ang bagong labas sa silid na inuukupa ng buntis na si Katrina o ang surrogate mother ng anak niya.
"Quickly! Kailangang mahuli n'yo ngayon din ang taong iyon bago pa makalabas ng mansion!" Malakas at mariin niyang sabi saka kulang na lamang ay tumalon din.
Lahat silang tatlo ay naging mabilis ang kilos. Lalo at dinig na dinig nila ang sinabi nito.
Then...
"WHO sent you here to kill them?!" malakas na tanong ni Mustafa sa lalaking nakasalubong sa hagdan!
Ang hagdan na ginagamit lamang in case of emergency.
"B-boss? Nandito ka? Akala ko ba ay nasa Cappadocia ka dahil mayroon kang---"
Pero hindi na iyon pinatapos ng binata bagkus sa isang iglap ay naging bihag niya ito.
"Sabi ko na nga ba at hindi ka mapagkatiwalaan, hay*p ka! Hah! Gusto mo yatang ihatid pa kita sa sementeryo!" Pamumutol niya.
Kaso!
"Ate Vicky, nasaan ka? Please help me..."
Dinig nilang sambit ng nasa loob ng pinakamalapit na silid o si Katrina. Kaya naman ay ibinalibag niya ang kinuwelyo.
"Kayo na ang bahala sa taong iyan, Omar, Ahmad. Huwag n'yong patayin. Dahil sigurado akong may malalaman pa tayo sa kaniya. Move, and I will check her inside!
Iyon lang at ibinalibag ang mukhang kapwa niya nagnanasa sa hampas-lupang katulong na nagdadala sa anak niya.
"ATE Vicky, tulungan mo ako," anito na halatang hilong-hilo.
'Aba'y sa guwapo kong ito ay ginawa pa--- F*ck! Mukhang aphrodisiac ang itinurok ng hay●p na iyon ah!' Lihim niyang pagmumura.
Ngunit dali-dali niya itong sinalo dahil matutumba na ngunit palakad-lakad pa rin. Dahil may ipinagawa siya sa dalawa ay ang intercom ang pinindot. Hindi nagtagal ay nagsidatingan ang mga kasambahay. Kagaya rin ng espiya ay nagulat ang mga ito na nasa kabahayan siya.
"Patatawarin ko muna kayong lahat ngayon. Ngunit oras na may masamang mangyari kay Katrina ay malalagot kayong lahat sa akin. Huwag n'yong kalimutang kahit kapwa n'yo siyang trabahador dito ay iba siya. Dahil dala-dala ang anak ko. Ngayon, kung ayaw ninyong matuluyan ay tawagan ninyo ang doctor---"
Kaso hindi na iyon natapos ng binata. Dahil bigla ring sumulpot ang right hand man ng ama.
"Küçük bey, please forgive me for interrupting you. I will accept my punishment later. Pero mas mabuting dalhin mo na si Miss Cruz sa pagamutan," anito.
"Okay, ikaw din! Hin---"
"Ang init, Ate Vicky. Nahihilo ako. Galit ka ba sa akin kaya't hindi mo ako tinutulungan?"
Halatang umepekto na ang gamot na ipinainom ng lintik na doctor kwak-kwak!
"Küçük bey, ako na ang tatawag sa doctor ni Master. Mukhang hindi siya makaabot sa pagamutan. Mas mabuting dalhin mo siya sa bathroom at paliguan ng malamig na tubig habang hinihintay natin ang doctor," muli ay wika ni Ali.
"Then, move it quickly! Dahil oras na may masamang mangyari sa kaniya ay kahit si Papa ay hindi ka matulungan!"
"Kayong lahat lalong-lalo na sa iyo, Vicky. Kabilin-bilinan kong huwag n'yong pabayaan si Katrina ngunit ano itong nangyari? Manalangin kayo na mawala ang anak ko ay hindi lang buhay n'yo ang katapat. All of you and your family will pay for it! Move!"
Karga-karga niya ang nag-iinit na si Katrina ngunit hindi naging sagabal iyon upang hindi maisatinig ang galit. Sa katunayan ay pinukol niya isa-isa ang mga nandoon bago may pagmamadaling tinawid ang main room ng hampas-lupang nasa kanlungan niya at ang silid nito.
"Miss Cruz, kailangan mong tiisin ang lamig. Dahil nasa daan pa ang doctor. Please be well lalo at nasa ika-apat na buwan pa ang nasa iyong sinapupunan," aniya.
'F*ck! Kung ako lang ang masusunod ay s€x ang tapat nito. Ang lambot-lambot nga talaga ng dibdib mo. Paano kaya kung ang iyong lagusan---D@mn you! Shut up, Mustafa! Nasa alanganing sitwasyon na nga ang future child mo ay iyong kalibugan pa ang iniisip mo!'
"Kumapit ka sa bathtub, Miss Cruz. Kailangan kong ayusin ang water temperature---"
"Ang init-init. Ang sabi ng doctor ay pampakapit daw iyon pero bakit nanlalabi ang aking paningin? Kailan pa ka-boses ni Boss si Ate Vicky? At isa paano niya ako binuhat?" anito at akmang maghuhubad.
Kahit namamanyak siya rito at madalas pinagpapantasyahan sa tuwing nagmamaryang palad siya, kapag may binabayaran siyang babae upang paligayahin siya ay pangalan nito ang sinasambit. Ngunit alang-ala sa nasa sinapupunan nito ay hindi niya maaring pansamantalahan.
"No, Miss Cruz!"
"Vicky! Vicky! Nasaan ka ba? Maari bang pumarito ka muna?! Ano ba! Bilisan ko kung ayaw mong malintikan sa akin!"
Malakas na kung malakas. Pero kailangan niyang makalabas sa banyong iyon. Dahil nakatayo ang manoy niya. Oras na magtagal pa siya sa tabi nito ay baka siya na ang maging antidote nito. Lalo at nasagi niyang muli ang s*so nitong kay lambot dahil sa pagpipigil na huwag maghubad.
Hindi nga nagtagal ay nasa tabi na niya ang taong tinawag.
"Stay with her, Vicky. Sigurado namang nakukuha mo na ang nangyari sa kaniya at kung bakit malamig na tubig ang pumuno sa bathtub. I will go and check the doctor. Nagkakaunawaan ba tayo?" aniya.
"Yes, Master," tugon nito.
Kaya naman ay hindi na siya nagsayang ng oras. May pagmamadali siyang lumabas ng banyo.
Kaso!
Napabalik siya ng wala sa oras sa banyo dahil napahiyaw ang hampas-lupang may dala-dala sa anak niya!
Subalit ganoon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mata dahil sa nadatnang senaryo!
Ano na naman?!