"HOW did it go, Omar?" salubong na tanong ni Mustafa sa right hand man na inutusang kausapin ang kanang kamay ng kaibigan. Dahil gusto niya itong kausapin. Kaso sa hitsura nito ay mukhang walang napala. "Wala pa rin, bossing. Sa palagay ko ay desidido itong kumalas sa iyo," anito habang umiling-iling. Dahil dito ay napailing-iling na rin siya. Ngunit may bahagi ng isipan na ayaw sumang-ayon sa nakikitang sitwasyon. "Okay hayaan mo na natin siyang nakapag-isip-isip. Go and tell my father that we will do his task today. Kayo ni Ahmad ang umakyat. Dahil isasama natin ang kambal upang makapasyal din sila," ilang sandali pa ay aniya kasabay ng pagbuga ng malalim na hininga. Kaso! "Nandito na kami, anak. Kung kayo ang papuntang airport ay kunin n'yo na ang gamit nina Turky at Bader. Nasa b

