"BOSS! BOSS!"
Malakas na pagtawag ng kahit hindi niya lingunin ay alam na alam kung sino.
"Mas mabuting magpaliwanag ka ng maayos kung ayaw mong samain sa akin, Omar. Nandito tayo sa kabahayan wala sa palengke. Now, speak up before I'll punish you!"
Dulot na rin ng pagkagulat mula sa malalimang pag-iisip ay napataas ang boses ni Mustafa.
"I'm sorry for that, bossing. Saka mo na lang ako parusahan. Dahil kailangan mong sumunod sa akin. I mean, sa silid ng Papa mo," anitong muli.
Sa narinig ay napaupo siya ng maayos. Kinatatakutan at niyuyukuan siya ng karamihan subalit pagdating sa kaniyang ama ay ibang usapan. Maaring nagpabulag ito sa maling akala, mas pinanigan ang mag-inang Hella at Ragad. Ngunit kahit bali-baliktarin ang mundo ay ito ang nagbigay ng buhay niya.
"Move! Take me to him, now!" malakas niyang sabi.
Inutusan niyang dalhin siya sa silid ng ama subalit nagpatiuna naman!
Kaya naman ay hindi na niya nakita ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Omar.
SOMEWHERE down the sea!
"So, kailan sila darating?"
"Do you mean those Filipino women?"
"As in? Binanggit mo pa talaga, brother?"
Beauty pageant!
Balikan ng tanong!
"HEY, men! What's so funny with you?"
Taas-kilay na napalingon ang lalaking mahaba-haba ang balbas. Actually, umabot sa magkabilang taenga.
"Sorry, boss. Pero napatawa lang kami dahil sa inyo ni boss Karim. Wala naman tayong beauty pageant dito sa Gitnang Silangan. Pero nagbalikan kayo ng tanong. Still, pasensiya na kayong dalawa mga bossing," paliwanag ng isa.
"Yes, bossing. Tama ang paliwanag ni Salman. Ngunit doon na muna kami sa sulok ng barko. Magmasid-masid muna kami ng sharks baka kasi mapatawa na naman. Just call us if we are needed." Pagsang-ayon pa ng isa.
Samantalang nagkatinginan sina Karim at Nadim saka tumango-tango sa mga tauhan. Hinintay nilang nakaalis ang mga ito bago nagpatuloy.
Then...
"Brother, ayon sa ating tao sa Pilipinas ay nandito na sa Gitnang Silangan ang mga katulong. At nasa atin na raw kung paano mailabas sa airport ang mga ito."
"Hindi problema ang bagay na iyan, brother. Bawat airport dito sa Saudi ay may mga tauhan tayo. Hindi rin lingid sa atin na kailangang lumapag silang lahat sa international. Gagamit sila ng bus upang makalipat sa domestic. Meaning, marami tayong magagawa."
"Nandoon na tayo, brother. After that, where are we going to take them? Mahigpit ang bawat patrolya both land and air bases. Huwag mong sabihing sa pamamagitan ng tubig?"
"Tumpak na tumpak, brother. Huwag mong sabihing kinalawang na ang iyong isipan? Remember that the Indian Ocean is the primary ocean that connects East and West Asia and the Middle East to the rest of the world. It branches out into vital regional waterways, including the Red Sea, the Arabian Sea, and the Persian Gulf, which serve as critical maritime trade routes and natural borders for the region."
Sa paliwanag ni Nadim ay hindi napigilang pumalakpak ni Karim. Nasa iisang grupo sila ngunit aminado siyang napapahanga talaga siya sa ikot ng isipan ng kaibigan. Sila ang mga illegal na grupo at second to the highest mafia clan sa Gitnang Silangan. At ang mga katulong na hinihintay nila ay hindi para manilbihan sa mga mayayamang arabo kundi ibenta sa iba't ibang panig ng mundo. Sa madaling salita ay gawain din nila ang human trafficking. Sa katunayan ay lahat ng dirty works.
"Bravo! Magaling, brother! Wala talaga akong pinagsisihan na sumanib sa grupo mo. Kung nandito na sila sa Saudi, ibig sabihin ay nakahanda na rin ang barko?" tanong niyang muli.
"Yes, brother. Kaya't abisuhan mo ang iyong nga tauhan. Skilled divers ang kailangan natin ngayon. Ang grupo ni Abdullah ay nagpapatrolya na sa lugar. Alam mo namang mainit-init pa rin tayo sa mga motowa," anito.
"Huwag mong alalahanin ang mga motowa, brother. Ikaw na rin ang nagsabing marami tayong koneksyon. Naka-hot seat tayo sa kanila ngunit marami pa ring paraan." Paninigurado niya.
"Very good! Ngayon ay kailangan na nating bumalik sa port. Dahil kung hindi ay mahuli tayo sa ating lakad," sabi nito.
Sumang-ayon na rin siyang bumalik sila. Dahil gusto niyang sumama sa lakad na iyon. Unang beses nilang trabahuin ang international kaya't may excitement siyang nadarama.
"KUMUSTA na ang pakiramdam mo?" tanong ni Mustafa sa ama.
Ilang taon na rin niyang hindi magawa-gawang tawagin itong Papa.
"Maayos-ayos na, anak. Alam kong busy ka sa araw-araw mong trabaho. Kaya't hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Punish them according to our family rule. Sinasabi ko ito hindi upang magmalinis. At kung ako sa iyo ay huwag mo na akong ihanap ng eye donor---"
Okay na sana! Kaso dinagdagan pa!
Tuloy!
Imbes na patapusin niya ito ay hindi na.
"At ano ang kasunod? Muling masisira ang pangalan ko? Hah! Sirang-sira na kaya't huwag mo ng dagdagan pa! Nais kong ibalik ang iyong paningin upang ikaw mismo ang magpataw ng parusa sa kanilang mag-ina. Iyan ay kung magagawa mo silang parusahan!"
Umigting ang panga niya dahil sa mga salitang nanulas sa labi ng ama. Kaya't napakuyom siya.
Kaso ibinaling niya sa ibang dereksyon ang paningin dahil na rin sa nakitang pagbalatay ng sakit sa mukha ng ama. Ruthless at stubborn man kung tawagin siya ng karamihan. Ngunit tao lang din siyang may damdamin.
"Alam kong wala kang pakikinggan sa mga salita ko sa kasalukuyan, anak. Subalit ako na ang nagsasabing gawin mo kung ang ang nararapat. Don't hesitate to do everything. You have my permission," giit nito.
Kaya naman ay mas napakuyom ang palad niya.
"Tell me those words after you regain your eyesight. Dahil kahit ama kita ay may sarili akong buhay. Huwag kang mag-alala dahil gagawin ko pa rin ang aking tungkulin bilang anak mo. Pinalitan ko ang lahat ng mga guwardiya rito sa mansion. All of them are under my protection. Kahit ang doctor ay sa akin. Kaya't wala kang ibang gagawin kundi ang magpagaling."
Mahinahon na rin ang boses niya subalit mas mapanganib naman kapag ganoon. Hindi na niya hinintay na makasagot ito bagkus ay pinakatitigan bago tuluyang lumabas.
PAGKAALIS ng binata ay muling nagwika ang walang paningin na matanda.
"Ano'ng masasabi mo, Ali?" tanong niya sa shadow and right hand man na hindi umalis sa kaniya kahit pa nabulag siya.
"Küçük bey is well and fully grown-up man now, Sir. Hindi nasayang ang lahat ng sakripisyo mo. Kung itatanong mo rin kung ano ang kaniyang reaksyon ay tatapatin kita. Poot at galit ang aking nasasalamin sa kaniyang pagkatao. Ang hindi ko lang magawa-gawang alamin ay kung paano siya naka-survive sa maraming taon sa labas without your wealth. At higit sa lahat ay kung paano siya naging highest mafia boss."
Mahaba-haba nitong paliwanag. Kaya naman ay napangiti siya. Ngiting bihirang masilayan simula pa noon.
"Kung ganoon ay huwag mo ng alamin, Ali. Dahil iyan naman talaga ang gusto kong manngyari. Ang makamit niya ang lahat sa kaniyang sariling sikap," aniya.
"Okay, Boss. Ngunit naulinigan ko sa mga tauhan ni küçük bey na may lakad sila ngunit Arabian Sea ang kanilang routa. Hindi ko nga lang nalaman kung ano ang---"
Sa narinig ay hindi na magpatumpik-tumpik si Ginoong Turky o ang ama ni Mustafa.
"Tawagan mo ang ating contact sa karagatan. Abisuhan mo silang maging alerto. Alam mo na ang iyong gagawin. Huwag naman sana pero kung sakali mang maharap sila sa hindi kaaya-ayang pagkakataon ay tulungan n'yo sila. Still, those moves will depend on the situation."
Kahit sa simpleng paraan ay makabawi man lang siya sa anak. Maaring malakas at hindi basta-basta magagapi ng kahit sinong membro ng grupo ang pangkat nito ay nais din niyang makasigurado. Kapag magtulungan at magkaisa ang mga taga-kabilang grupo upang ibagsak ang anak niya ay mahihirapan ito.
"Okay, boss. Ngunit kung aalis ako ngayon, sino ang makasama mo?" Banaag sa tinig nito ang pag-aalala.
"Sabi nga ng küçük bey mo ay under his protection ang mansion. Ibig sabihin ay ligtas ako rito. At isa pa nandiyan ang mga tauhan niya. Kung personal needs ko naman ay ang dati niyang Yaya ang nag-aasikaso. Kaya't kumilos ka na, Ali. Do it in complete secrecy." Pagtataboy niya rito.
Maaring sasagot pa ito subalit hindi na nagawa dahil eksaktong kumatok ang Yaya ng anak. Kaya't sumenyas siya rito na gumayak na.
"KABAYAN? Bakit mukhang hindi ka mapakali?" dinig ni Katrina na tanong sa kaniya ng isang kapwa Filipina na nagtungong Saudi Arabia.
"Hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko, Ate. Okay pa naman kaninang palabas tayo sa airport ng Riyadh. Kaso nang nagsimulang tumakbo ang bus na magdadala sa atin sa domestic airport ay ibang-iba ang kabang sumasalakay sa aking damdamin," paliwanag niya.
"Okay lang iyan, Katrina. Normal na iyan sa tulad mong first time na mangibang-bansa. Iyong mix emotion talaga. Subalit kapag masanay ka na ay---"
Subalit hindi na natapos ng isang Filipina ang paliwanag kay Katrina. Dahil bukod sa biglang tumigil ang bus ay napasigaw pa ang driver. Hindi lang iyon, may mga armadong kakalakihan ang basta pumasok sa loob ng bus at binaril ng paulit-ulit ang driver. Kahit ang kundoktor na maaring aabutin ang telepono upang humingi ng tulong ay wala ring awang pinagbabaril. At bago pa may makahuma sa kanila ay unti-unti silang nawalan ng malay-tao. Kaya't hindi na nila nalaman kung ano ang sumunod na nangyari.