"SIGURADO ka ba sa desisyon mong iyan, Katrina? Karapatan mo ang umuwi ngunit nag-aalala ako sa iyong kalusugan." Bakas sa tinig ni Master Turky ang pag-aalala. Paanong hindi siya mag-aalala samantalang nakarating sa kaniya ang nangyari o ang kagaguhan ng anak? Kaso nahuli pa rin sila ni Ahmad sa kaalaman. Nasa pagamutan na ito nang itinawag ni Marco Alessandro na lihim daw nagmamasid. Nalaman nilang may sanggol na nawala. "Yes, Master. Mas mabuti na rin po iyon kaysa patuloy akong mamuhi sa kaniya samantalang kasalanan ko---" Kaso hindi niya iyon pinatapos. "Hija, alam kong mahal mo si Mustafa. Ngunit hindi makatarungang akuin mo palagi ang kasalanan. Mali iyan, Katrina. Maaring wala kang narinig sa aming nakapaligid sa iyo. Ngunit alam naming may nangyayari sa inyong dalawa. Subalit

