"OKAY ka lang ba, Katrina? Ang sabi ni Ahmad ay mukhang may sakit ka," tanong ni Master Turky sa Yaya ng mga apo. Maaga pa sa Istanbul upang sabihing inaantok ito. Ngunit kitang-kita sa hitsura nito na hindi maganda ang pakiramdam. "Master, maari ko bang ihabilin muna sa inyo ang kambal? Napakain at nabihisan ko na sila ng pantulog. Kako baka magtawag sila na hindi ko marinig," bagkus ay sagot nito. "No problem about that, Katrina. Sa hitsura mo pa lamang ay hindi maganda ang pakiramdam mo. Ipalipat ko na lamang sila kay Ahmad sa aking silid. Magpahinga ka na after mo mag-inom ng gamot," aniya. 'Allah, let her be well. Siya ang tumayong ina at ama ng mga apo ko simula pa noong napadpad dito.' Tanging tango lamang ang nakuha niyang sagot difo patunay lamang na masama ang pakiramdam.

