Georgina "Wow! Tita ang dami naman po nito!" sabi ni Allie ng ilapag ni Sabrina ang mga pasalubong ko sa ibabaw ng lamesa sa kusina. Dito kasi kami dumeretso ni Allie pagpasok namin sa loob ng bahay nila. At home na at home na ako rito. "S'yempre para sa'yo, kaya madami. Malakas ka kasi sa akin!" sabi ko. Ang cute ni Allie, hindi ko tuloy mapigilan na panggigilan ang pisngi n'ya. "Thank you po Tita George!" sagot ni Allie sa akin. Tumango lang ako sa kan'ya na nakangiti. Napatingin ako kay Sabrina na nakaupo lang at nakamasid lamang sa'min habang napapangiti. Ang cute n'ya rin, para silang pinagbiyak na bunga ng anak n'ya. "Doon na muna kayo sa sala, magluluto muna ako ng dinner natin," sabi ni Sabrina ng mapansin nakatingin ako sa kan'ya. "Huwag ka ng magluto, nag-order na ako ng