Georgina
"Hello Dad?" sagot na patanong ko kay Daddy, ng sagutin ko ang tawag n'ya. Kakalabas ko lang ng banyo dahil naligo ako, gustong-gusto ko kasing maligo bago ako matulog.
"Hello anak, kamusta ka?" sagot ng aking ama sa akin.
"Maayos naman po ako Dad, kayo ni Mom?" sagot ko bago naupo sa kama. Ipinatong ko sa bedside table ang aking cellphone at ini-loud speaker.
Kinuha ko sa loob ng drawer ko ang aking lotion at nagsimulang maglagay sa buo kong katawan.
"Maayos din kami anak, si Kuya Gino mo?" tanong ni Daddy.
"Okay lang din naman po Daddy, panay ang gimik ng mokong na 'yon," sabi ko. Kahit na nagtataka na ako kung bakit pati si Kuya ay sa akin n'ya tinatanong, puwede naman kasi n'yang tawagan mismo si Kuya.
"Come on Dad, ano po ba talaga ang gusto n'yo sabihin?" prangka ko ng tanong, ayoko ko kasi ng madaming segwey sa usapan.
"Hahaha! Kilalang-kilala mo na talaga ako anak," sabi ni Daddy, "Okay, gusto ko lang sabihin na umuwi ka na next week dito sa Pilipinas."
"Bakit po ba, anong meron?" nakataas ang kilay na tanong ko kahit na hindi naman ako nakikita ng Daddy ko.
"Gusto kong tupadin mo na ang napagkasunduan natin, I want you to date someone," seryosong sabi ni Dad. Napatigil tuloy ako sa aking ginagawang paglalagay ng lotion sa aking katawan.
Anak naman ng tinapa ng kapit-bahay namin, may nakita na agad s'yang lalaki!
"Ang bilis naman Dad, baka naman basta na lang kayo nanghila ng lalaki sa tabi-tabi," biro ko sa aking ama na hindi man lang niya pinatulan.
"Georgina, alam mong mataas ang standards ko pagdating sa mga tao, and this man that I'm setting up with you is a great person, inside and out," seryosong sagot ng ama ko.
Wow ha! Puring-puri n'ya talaga, naintriga tuloy ako bigla sa taong 'yon.
"Pero Dad, hindi pa ako ready. P'wede po bang saka na kapag handa na ako?" tanong ko. I'm hoping na sana pumayag s'ya.
"Nope! Uuwi ka next week, and that's final!" sabi n'ya before he hang up.
"Argh!" nanggigil na sigaw ko sabay padyak ng aking dalawang paa.
P*nyeta! Nakakainis na buhay ito! Kasalanan lahat ito ng malanding si Margaret!
___________________
"Goodbye Georgina, and good luck na rin sa'yo," sabi sa akin ni Kuya bago ako pumasok sa boarding gate, ngayon ang flight ko pabalik sa Pilipinas.
Gusto kong maglupasay sa totoo lang, ayoko talagang umuwi ng Pilipinas pero wala akong choice, dahil alam kong hindi ako titigilan ng aking ama.
"Magbigti na lang kaya ako Kuya?" sabi ko sa kan'ya habang nangingilid ang luha ko.
Nakatanggap ako ng batok sa magaling kong kapatid. Sinamaan ko s'ya ng tingin habang hinihimas ang ulo ko.
"G*ga! Ang sarap-sarap mabuhay tapos kung ano-ano yang sinasabi mo," mataray na sabi ng kapatid ko.
"Masarap dahil hindi ikaw ang nasa p'westo ko, sige nga what if, ikaw naman ang pilitin ni Dad, na makipag-date sa kapwa mo lalaki, anong nararamdaman mo?" hamon kong tanong.
He crossed his arms in her chest and put his finger in his chin acting like he was thinking.
"Kung ako 'yan I will just go with the flow, bahala na kung saan mapadpad," balewala na sagot n'ya sa akin.
Tss! Just go with the flow daw, utot n'ya! Palibhasa lalaki talaga ang gusto n'ya.
"Ang dali sa'yo sumagot dahil napakalabo naman pilitin ka ni Dad, makipag-date sa kapwa mo lalaki," sabi ko.
"Hay naku! Hindi mo kasi muna intindihin ang sagot ko," sabi ni Kuya.
Napakunot naman ako ng aking noo, alin ba ang hindi ko naiintindihan sa sagot n'ya eh, nakahain naman na lahat? tanong ko sa isipan ko.
"What I meant is, sakyan mo muna hangga't wala ka pang nagugustuhan na iba, and then kapag nasubukan mo na at wala talaga, then tell Dad, sabihin mo na hindi mo talaga kaya, at least kapag sinubukan mo muna baka hindi ka na pilitin ni Daddy. Hindi yung wala pa nga, ay ayaw mo na agad samantalang alam naman natin na wala kang magagawa kahit pa hindi mo gustong gawin," mahabang paliwanag ng kapatid ko.
Napaisip naman ako sa sinabi n'ya, aminado ako na may point naman s'ya. Hayst! Sige na nga, susubukan kong gawin ang deal namin ni Daddy.
"May utak ka rin pala sa ganitong bagay Kuya, akala ko dahil wala kang hilig sa love-love na 'yan ay wala kang alam," sabi ko.
Pinitik n'ya ako sa noo dahil sa sinabi ko. Putik ang sakit ng noo ko!
"Dami mong sinasabi. Lumakad ka na at baka maiwan ka ng eroplano." sabi ni Kuya at itinulak na ako para pumasok.
"Oo na, bye!" sabi ko.
Pumasok na ako sa loob. Pag-akyat ko ng eroplano ay hinanap ko agad ang seat number ko.
"Hay! Mabuti na lang at sa tabi ng bintana ang puwesto ko." bulong ko bago ako pabagsak na naupo.
Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na lumapag na ang eroplano sa Pilipinas, partida pa 'yun dahil ang tagal ng b'yahe.
Napansin ko na lang na nagsisilabasan para bumaba ang mga kasama kong pasahero sa eroplano.
Paglabas ko ng airport ay agad kong nakita sina Mommy at Daddy, ngiting-ngiti sila sa akin, halata na masayang- masaya sila na makita ako lalo na ang aking ina.
Dali-dali akong lumapit sa aking magulang, hila-hila ko ang aking maleta.
"Anak, Georgina!" sabi ng aking ina na nangingilid pa ang luha, agad akong yumakap sa kan'ya pagkatapos ko s'yang halikan sa pisngi.
"Mommy, na miss kita ng sobra!" sabi ko.
Pati ako ay naiiyak na rin. Oo nga at nagkakausap kami sa video call pero iba pa rin kasi kapag sa personal.
"Miss na miss din kita anak, kung hindi pa dahil sa Daddy mo, mukhang wala kang balak umuwi," sabi ng aking ina matapos n'ya akong yakapin.
Ngumiti lang ako kay Mommy dahil tama naman s'ya, mas nasanay na kasi ako sa buhay sa ibang bansa.
"Anak, welcome back!" nakangiting sabi ng aking ama.
Ngumiti lang ako ng bahagya. "Thanks Dad," sabi ko.
Alam ko naman na ang ngiting n'yang 'yon ay para sa deal namin na finally matutupad na.
"Georgina anak, I want you to meet this handsome man, Charles Corpus, Charles this is my beautiful daughter Georgina," introduce sa amin ng Daddy ko.
Iniabot ni Charles ang kamay n'ya para makipagkamay na agad ko naman inabot, pinagmasdan ko s'ya mula ulo hanggang paa.
Infairness naman sa napiling ito ni Daddy, g'wapo at mukhang mabango.
"Hi, nice to meet you Georgina!" nakangiting bati niya sa akin. Ngumiti rin ako pabalik.
"Same here!" sagot ko, kahit na hindi naman talaga ako natutuwa na makilala s'ya pero gaya ng payo ng kapatid ko, just go with the flow.
"Alright, mamaya n'yo na ituloy ang getting to know n'yo, tayo na sa sasakyan at ng makauwi na tayo," putol ng aking ina sa titigan moment namin ni Charles.
"Okay Mom, tara na," sagot ko.
Agad akong lumapit sa aking ina at kumapit sa kanyang braso, alam ko naman na halata n'ya na hindi talaga ako kumportable sa deal namin na ito ni Dad.
Ito naman kasing ama ko gusto agad karakaraka na masunod ang gusto at talagang isinama pa sa pagsundo sa akin ang lalaking 'yon, wala na 'atang balak na pagpahingahin muna ako.
Sumakay kami sa kotse, kami ni Mommy ang magkatabi sa upuan sa likod at si Charles at si Dad sa unahan namin ni Mommy.
Sumandal ako sa balikat ng aking ina habang nasa b'yahe, gusto ko lang magpa-baby. Agad naman niya akong niyakap sa bewang habang marahan akong hinahaplos do'n, ito 'yong malimit n'yang gawin kapag pinatulog n'ya ako no'n bata pa ako.
Isang mahinang tapik sa aking pisngi ang pumukaw sa aking pagtulog.
"Anak, nandito na tayo," sabi ng aking ina ng magmulat ako ng mata, kinusot ko 'yon ng bahagya habang tumingin sa loob ng sasakyan.
Wala na sa loob ang aking ama at si Charles, mukhang kanina pa 'ata ako ginigising pero napahimbing ang tulog ko.
"Tara na anak, kanina pa nakababa ang mga Daddy mo," tumango ako kay Mommy bago lumabas ng sasakyan.
Pagpasok namin sa loob ng bahay ay nakaupo sina Charles at Dad sa couch, may hawak silang kopita ng alak.
Ang agang inuman namang inuman n'yan. Ano 'yan, nagse-celebrate agad?
Naupo kami ni Mommy sa kabilang upuan sa tapat ng dalawa, hindi pa man nag-iinit ang p'wetan ko ay lumabas na agad si Manang Lorie galing kusina.
"Maam, Sir, ready na po ang mga pagkain," saad ni Manang.
Tumango lamang ang aking ama, kaya umalis na s'ya pagkatapos no'n para bumalik sa kusina.
"Tayo na at ng makakain na tayo," yaya sa amin ni Daddy. Tumayo na kami at naglakad papunta sa kusina.
Kumain lang ako ng tahimik kahit na wala ng ginawa ang aking ama kun'di makipag-usap kay Charles, nakikinig lang ako sa kanila pero hindi ako sumasali, kung may tinatanong sila sa akin ay tanging tango at iling lang ang sagot ko.
"Tapos na po ako, p'wede na ba akong umakyat sa k'warto ko?" tanong ko sa kanila particularly ay kay Daddy, kung walang ibang tao rito ay hindi naman required na magpaalam pa ako.
"Mamaya na hija, tapos na rin itong si Charles doon muna kayo sa veranda at magkape para naman makapag-usap din kayo," sabi ng aking ama sa akin.
Gustuhin ko mang kumontra ay hindi ko na lang ginawa, hindi rin naman ako mananalo sa kan'ya.
"Okay, let's go Charles," sabi ko.
Agad naman s'yang tumayo para sumama sa akin.
"Manang Lorie, pakidalahan naman po kami ng kape sa veranda. Salamat po," sabi ko sa kasambahay namin. Tumango si Manang kaya umalis na ako.
"So ilan taon ka na Charles?" panimulang tanong ko sa kan'ya, mukha kasing wala s'yang balak magsimula ng topic.
Nakaupo na kami rito sa veranda, nadala na rin ni Manang ang kape namin.
"Twenty three na ako, ikaw? Mas kamukha mo pala ang Mommy mo," nakangiting sabi niya sa akin.
Ngayon ko lang napagmasdan na ang ganda pala ng mga ngipin n'ya, maputi at pantay-pantay. Kung straight lamang siguro ako ay baka unang kita ko palang kanina sa kan'ya ay sinagot ko na s'ya.
"Talaga? So sino ang mas maganda sa amin ng Mommy ko?" sabi ko. Sinadya kong hindi sabihin ang edad ko.
"Mas maganda ka," sabi n'ya habang titig na titig sa akin.
Med'yo naiilang ako sa paraan ng pagtingin n'ya sa akin pero hindi ko pinahalata.
"Really? Paano mo naman nasabi?"
"Dahil ikaw 'yong bunga, lagi naman mas maganda ang bunga kesa puno hindi ba?" sagot n'ya. I just shrugged my shoulder, hindi ako nag-abalang sumagot sa sinabi n'ya.
"Saan naman kayo nagkakilala ni Dad?" pag-iiba ko ng topic namin.
"Sa mall, ng tinulungan ko s'ya minsan," sagot n'ya, kinuha niya ang tasa ng kape at uminom.
Base sa kilos ni Charles masasabi kong galing din talaga s'ya sa mayaman na angkan at hindi kung saan-saan lang.
"Tinulungan saan?" tanong ko.
"Nakita ko kasi s'ya na hino-holdap no'n kaya tinulungan ko s'ya," sagot n'ya.
Nagulat naman ako sa nalaman, muntik na palang na-holdap ang aking ama, paano na lang kung wala doon si Charles? Baka napahamak na s'ya.
"Salamat pala kung gano'n Charles, baka kung wala ka do'n ay napahamak na si Dad," bukal sa loob kong sabi.
Sige dahil may utang na loob kami sa kan'ya ay pakikisamahan ko s'ya ng maayos at susubukan ko ng mas maige ang usapan namin ni Dad.
"Wala 'yon, kahit sino naman siguro na makakita ng pangyayari na 'yon ay tutulong," sagot n'ya na parang nahihiya pa. Cute!
"I like you, mukhang hindi naman nagkamali ng pagpili si Dad sa'yo para ipakilala sa akin," sabi ko.
Mukhang lalo s'yang nahiya sa sinabi ko at med'yo namula pa ang pisngi. Gusto ko tuloy matawa sa reaksyon n'ya, kung babae lang s'ya baka nahalikan ko na s'ya agad.
"Ang cute mo alam mo ba 'yon?" ngiting-ngiti na tanong ko sa kan'ya.
"Thank you, ikaw rin ang ganda mo," nakangiti rin na sagot n'ya sa akin.
"Matagal ko ng alam 'yon Charles," sabi ko na natatawa, "So maiba tayo, ngayon nakita mo na ako ng personal gusto mo na ba ako?"
Pinarangka ko na agad s'ya, gaya ng sabi ko ayaw ko ng madaming paligoy-ligoy. Baka naman hindi n'ya ako gusto at least hindi na kami magsasayang ng oras na kilalanin ang isat-isa.
"Ha? Oo, gus..to kita, sino bang hindi magkakagusto sa'yo sa ganda mong 'yan?" sagot n'ya na med'yo nauutal pa noong una.
"Okay, good! Sige mag-date tayo, tingnan natin kong mahuhulog ako sa'yo o hindi."
"Talaga?" masayang tanong n'ya, "Okay, don't worry gagawin ko ang lahat para mahulog ka sa akin."
"Tingnan natin Charles kung kaya mo akong ituwid d'yan sa lahat ng bagay na gagawin mo na sinasabi mo," sabi ko sa isipan ko.
"Let's see," sabi ko, "Give me your phone."
Kumunot ang noo n'ya dahil sa sinabi ko pero ibinigay rin naman ang cellphone n'ya.
Isi-save ko ang number ko sa cellphone n'ya. "Here's my number, call or text me na lang kung kelan mo ako gusto i-date."
Nakangiting tumango naman s'ya habang tinitingnan ang number ko sa phone n'ya.
Tumayo na ako. "Akyat na 'ko, gusto ko munang magpahinga."
"Sige, salamat!" sagot niya.
"Welcome!" sabi ko, "Umuwi ka na, mag-isip ka na kung paano ako mahuhulog sa'yo. Good luck!" sabi ko sabay kindat sa kan'ya.