Sabrina "Oh Hon, bakit hindi ka pa nakabihis?" tanong ni Georgina sa akin ng abutan n'ya ako na nakaupo sa couch. Kakatapos lang kasi namin mag-almusal at pinauna na n'ya akong umakyat dito sa k'warto para makapag-ayos sa pagpasok sa shop. "Hindi ako papasok," nakasimangot na sabi ko. "Bakit? May problema ba?" tanong n'ya, "Ang aga naman busangot n'yan Hon." "Ayoko pumasok, tutuksuhin lang nila ako roon dahil dito," sabi ko, sabay turo sa leeg ko na halos mapuno na ng hickey. Bwisit naman kasi s'ya! Kung noon nasa mall pa kami, madami pang space ang walang kiss mark sa leeg ko, pero pagkatapos ng nangyari sa amin sa Laguna, halos puro pula na ang leeg ko hanggang dibdib. Daig ko pa ang pinapakpak ng lamok. "Sus! Hindi 'yan Hon, ako ang bahala," mayabang na sabi n'ya sa akin. Tumabi