Georgina Pagkababa ni Sabrina sa kotse ko, deretso na s'yang pumapasok sa loob ng shop, hindi man lang nag-abalang lingunin ako. Tsk! "Ang pikon naman ng babae na 'yun. Ang sakit ng pitik n'ya sa labi ko!" bulong ko, habang hawak ko ang labi ko na pinitik n'ya kanina. Bumaba na rin ako ng kotse, rito muna ako tatambay sa coffee shop, wala naman na akong gagawin ngayon dahil hindi na ako papasok sa opisina dahil nandoon na 'uli si Tito Rey, at saka gusto ko rin kausapin si Danica about sa plano ko para sa birthday ng mag-ina. Gusto rin magsumbong sa ginawa sa akin ng m******s kong boyfriend. Pagpasok ko sa loob ng shop, saktong kakalabas lang ni Sabrina sa locker room nila, suot n'ya na ang kan'yang uniform. Napatingin s'ya sa akin at napakunot ang noo. Kinawayan ko lang s'ya habang n