Sabrina "Pwede ba tayong mamasyal ngayon?" tanong sa akin ni Georgina. Nakahiga pa kami sa kama dahil kakagising lang namin. "Oo naman, bakit hindi? Saan ba?" tanong at sagot ko sa kan'ya. Hindi naman n'ya kailangan magpaalam sa'kin ng ganito kung gusto n'ya ng quality time sa'min. "Basta. It's a surprise," kindat n'ya sa'kin ng nakangiti. "Magugustuhan n'yo roon ni Allie." Napangiti rin ako, ang hilig n'ya talaga sa mga surprises, talaga naman nagugulat na lang ako sa mga pasabog n'ya katulad na lang ng about sa shop kung saan ako nagwo-work. Siya pala ang may ari, kaya pala naipasok n'ya ako ng gano'n kadali. "Ano na naman kaya ang pasabog mo ngayon ha?" kinurot ko s'ya sa tagiliran na nakapagpaigtad sa kan'ya. "Hon naman, 'wag d'yan! Huwag d'yan malakas ang kiliti ko d'yan, 'wag d