Chapter 14

2616 Words
Georgina "Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Danica sa akin ng pumasok s'ya sa k'warto ko. Napasimangot ako ng makita ko siya. Anu ba kasing ginagawa ng babae na 'to rito, tapos hindi man lang kumatok. "Masama ang pakiramdam ko. Bakit ka ba nandito?" tanong ko, hindi ako nag-abalang bumangon sa kama. Lumapit siya sa akin at naupo sa kama ko. Sinalat niya ang noo ko gamit ang isa niyang kamay at ang isa naman kamay ay sa noo niya inilagay. "Hindi ka naman mainit, at saka ayos ka naman kahapon ng maghiwalay tayo, so bakit ka nagkaganyan bigla?" Iniisip ko kung sasabihin ko ba ang tungkol sa nangyari sa amin ni Charles, kahapon kaya ganito ang pakiramdam ko. P*nyeta naman kasi! Hindi ko naman alam na ganon pala kasakit 'yon, kung alam ko lang sana, hindi ko na sinubukan ang makipag-s*x sa lalaki. "Na-virgin-an ako Beb," mahinang sabi ko sa kan'ya. Nagdesisyon akong sabihin na lang sa kan'ya dahil wala naman akong ibang pagsasabihan. Alangan naman sa aking ina ko pa sabihin, baka makarating pa kay Daddy. "What?! Totoo? May nangyari na sa in'yo ni Charles?" sigaw niya. Dali-dali kong tinakpan ang bunganga n'ya. Anak ng tinapa! Sa kan'ya ko lang balak sabihin ang nangyari sa amin ni Charles, pero dahil sa bunganga n'ya baka malaman na ng lahat ng nakatira rito sa bahay! "Ano ba?! Ang ingay mo, kelangan sumigaw?" inis ko na sabi sa kan'ya. Inalis ko na sa bibig niya ang kamay ko. "Hehehe, sorry naman Beb, nagulat lang, pero totoo nga, may nangyari na sa in'yo ni Charles?" tanong pa rin niya na hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ko. Tumango ako bilang sagot sa tanong niya, ayoko ng magsalita. Anong gusto n'ya, paulit-ulit? "Omg!" sabi niya, nakangiti s'ya ng malaki, "So anong pakiramdam Beb, masarap?" "Okay lang naman, nakatapos din naman ako, pero putik Beb, sobrang sakit noong una!" napangiwi ako ng maalala ko 'yung naramdaman ko ng ipasok ni Charles bigla sa akin ang kan'yang alaga. "Hahaha, masakit daw talaga 'yon Beb, malaki ba at mahaba ang kay Charles?" tanong niya na parang kinikilig pa. Luh?! Parang engot lang 'tong kaibigan ko eh. Ayaw pa kasing mag-boyfriend, mukha naman gusto na rin niyang tumikim. Tumango na lang ako sa tanong niya, tutal iyon naman talaga ang totoo. Ang haba, ang taba at ang laki ng alaga ni Charles. Kung isusubo ko siguro 'yun kagaya ng ginagawa ng iba, t'yak na mabubulunan ako. "Grabe ang sarap siguro noon Beb, gano'n daw kasi ang masarap!" sabi niya habang kagat ang hintuturo. Nag-i-imagine pa 'ata ang bruha! "Sino ba 'yang nakakausap mo tungkol sa ganan bagay, at panay ang daw mo?" kunot ang noo na tanong ko sa kan'ya, "Oh, baka naman ikaw ang naka-experience ng sinasabi mo, nahihiya ka lang umamin?" "Hahaha, wala Beb, nabasa ko lang 'yon sa libro," sabi niya, "So Beb, ngayon natikman mo na pareho ang babae at lalaki, alin ang mas bet mo? Fingers o 'yung bird?" Pagkatapos niyang sabihin iyon sa akin ay humagalpak na siya sa pagtawa. Sa sobrang halakhak niya ay nahawa na rin ako. Ang ending tuloy parehas kami na halos mautas sa pagtawa. "Sagutin mo na Beb, dali!" sabi niya pagkatapos ng aming paghalakhak kanina. "Mas bet ko pa rin ang daliri with the tongue," natatawa pa rin na sagot ko sa kan'ya. "Talaga?" tanong niya at tinaasan ako ng kilay, "Bakit?" "Anong bakit?" tanong ko at nagtaas din kilay sa kan'ya. "Ibig kong sabihin, bakit mas bet mo pa rin ang daliri kesa sa bird?" sabi niya, "Ang payat at igsi lang ng daliri, samantalang 'yun kay Charles mahaba, mataba, at malaki, gaya ng sabi mo." "Dahil babae naman talaga ang gusto ko," sabi ko, "Si Charles naman kasi ay dahil lang sa deal namin ni Dad, remember?" sagot ko. "Okay, gets ko na," sabi niya, "Matanong ko lang Beb, bakit ka pala pumayag makipag-s*x kay Charles?" Napaisip naman ako dahil sa tanong niya. Bakit nga ba ako pumayag? "Hindi ko rin sure Beb, baka dahil curious din ako kung ano ang pakiramdam ng makipag-s*x sa lalaki," sagot ko, "or maybe sobrang tigang lang ako talaga." Tumango lang siya sa sagot ko at hindi na nagsalita. "Bakit ka pala nandito?" pag-iiba ko ng topic. "Wala naman, naisip ko lang bumisita at para na rin nga maki-chismis sa'yo." sagot niya tapos ay biglang humiga sa tabi ko. Tiningnan ko siya na ng nagtatanong. "Tulog tayo Georgie, tabi tayo," sagot niya sabay yakap sa t'yan ko. "Anong tulog tayo? Wala ka bang gagawin sa coffee shop?" tanong ko sa kan'ya. "Wala, nagawa ko ng lahat kaya 'wag kang mag-alala," nakapikit na sagot n'ya sa akin. Pumikit na rin ako dahil inaantok din naman ako. Hindi ko alam ilang oras kami nakatulog na dalawa, nagising lang ako dahil may kumakatok sa pintuan ng k'warto ko. "Sino 'yan?" sigaw ko. "Ma'am Georgina, pinapatawag na po kayo ng Daddy n'yo, kakain na raw po ng dinner," sagot ni Manang sa akin mula sa labas ng pinto. "Sige po, bababa na po," sagot ko. Dinig ko ang yabag ni Manang papaalis, bumangon ako at naupo sa kama habang nag-iinat, ilang saglit lang ay nagising na rin si Danica. "Tara na sa baba Beb," sabi ko sa mumukat-mukat na kaibigan ko, mukhang antok na antok pa talaga, "Kakain na raw tayo ng dinner." Sabay kaming nagpuntang dalawa sa banyo para maghilamos bago bumaba, para kumain. Malapit na kami sa kusina ng marinig namin ang tawanan mula roon. "Hija, Danica, halina kayo at kumain na tayo," sabi ni Daddy ng makita kami ni Danica, tumango kaming dalawa. Napatingin ako sa bisita namin na walang iba kung hindi si Charles. Kaya naman pala tawa ng tawa si Dad nandito ang kanyang manok. Tsk! Naupo ako sa tabi ni Charles, si Danica naman ay sa tabi ni Mommy. Nginitian ako ni Charles pagkaupo ko kaya ngumiti rin ako. "Kanina ka pa rito?" mahinang tanong ko kay Charles, ipinaglagay niya ako ng pagkain sa plato ko. "Med'yo lang, tulog ka raw kasi kanina sabi ni Tita. Okay ka lang ba?" concern na tanong niya sa akin. Kahapon kasi pagkatapos ng nangyari sa amin ay sobrang nag-alala s'ya dahil sabi ko ay masama ang pakiramdam ko. Pagkasabi ko noon ay agad s'yang kumuha ng gamot at ipinainom sa akin. Tumango ako at ngumiti ng bahagya bago sumubo ng pagkain. Panay ang kwentuhan nina Daddy at Charles, samantalang kaming tatlo nina Mommy ay nakikinig lang habang patuloy sa pagkain. "Tita, Tito mauuna na po ako, baka po gabihin ako masyado," paalam ni Danica sa magulang ko. Kakatapos lang namin kumain, nandito na kami sa living room at nagkakape. "Sige hija, ingat ka sa pag-uwi," sagot ni Mommy, bago sila nagbeso na dalawa. "Beb, Charles, mauna na ako," baling niya sa amin ni Charles. Tumango si Charles habang ako ay tumayo para ihatid siya sa labas. "Ingat ka Beb," sabi ko. Humalik kami sa pisngi ng isat-isa. "Thank you, bye!" sabi niya bago sumakay sa kan'yang kotse at umalis. Kaagad naman akong pumasok sa loob ng mawala na sa paningin ko ang kotse ng kaibigan ko. "Georgina, maiwan na namin kayo ng Mommy mo," sabi ni Dad, pagbalik ko mula sa paghatid kay Danica sa labas. Tumango na lang ako sa aking ama, as if naman kasi na papapigil siya kung sakaling hindi ako pumayag na maiwan kami ni Charles ng kami lang. "Kamusta na ang pakiramdam mo Love?" tanong ni Charles, sabay hawak sa kamay ko. Magkatabi na kami rito sa couch, nakatagilid s'ya paharap sa akin. "Masakit pa rin ng konti ang katawan ko," sagot ko. "Sorry, nabigla yata kita ng sobra kahapon," sincere na sabi niya, at parang na gi-gulity. "No Love, it's okay normal lang naman yata 'yung ganito." nakangiting sagot ko. "Gusto mo na bang magpahinga?" tanong niya sa akin. "Okay lang ba?" tanong ko. Gusto ko na talagang mahiga sa kama. Tumango naman siya sa akin. "Okay lang naman Love." "Sure? Hindi ba nakakahiya sa'yo, kanina mo pa yata akong hinihintay eh?" sabi ko. "Hindi Love, okay lang naiintindihan ko naman, sige magpahinga ka na at uuwi na ko," nakangiti na sabi n'ya. Aww... Ang understanding naman ng boyfriend ko. Tumayo na rin ako para ihatid s'ya sa labas. "Bye Love," sabi niya. Nandito na kami sa labas ng pintuan ng bahay namin. "Bye, ingat ka sa pag-drive," sabi ko. Tumango siya at tumitig sa akin. We looked into each other eyes bago inilapit ni Charles sa aking ang kan'yang mukha para halikan ako. Hinalikan niya ako sa labi na kaagad ko naman tinugon. Akala ko ay mabilis lang na halik ang mangyayari pero hindi pala dahil mas pinalalim pa niya ang paghalik niya sa akin, isinandal pa niya ako sa pader. Ikinawit ko ang kamay ko sa batok niya dahil nadadala na rin ako ng mainit namin halikan. Dikit na dikit ang katawan namin sa isat-isa kaya ramdam ko na ang matigas na bagay na bumubukol sa pagitan ng mga hita niya sa loob ng kan'yang pantalon. Tumigil siya saglit sa paghalik sa akin para sumagap ng hangin, ipinatong niya sa noo ko ang noo niya. Ng maging normal na uli ang paghinga namin pareho ay muli niya akong hinalikan sa aking labi habang ang isang kamay ay pumasok sa loob ng suot kong short. "Ugh," ungol ko ng madali ng daliri n'ya ang perlas ko, "No Charles." Itinulak ko s'ya ng bahagya. Tiningnan niya ako ng may pagtataka dahil sa ginawa ko. "Sorry, baka lang kasi may makakita sa atin," sabi ko. Napatingin ako sa pantalon n'ya na ngayon ay bukol na bukol na ang harapan. Napailing ako sa isip ko, ang sakit noon sa puson kapag hindi na iputok. "Okay Love, sorry sige aalis na ako," med'yo hinihingal niyang sabi. Tumalikod na s'ya sa akin para umalis ng hilahin ko s'ya sa kamay at hinalikan sa labi. Inulit ko ang posisyon namin kanina pero this time ay siya na ang isinandal ko sa pader. Iniwan ko ang labi niya para buksan ang kan'yang pantalon. Dinukot ko ang kan'yang alaga na sobra na sa tigas habang nakatitig sa kan'ya. I will give him a hand job. Muli ko siyang hinalikan sa labi ng madiin habang hawak ko ang alaga n'ya, iginalaw ko ang aking kamay roon ng pataas at pababa. "Ahhhh Love, faster, malapit na ako," daing niya habang sinasabayan na ng kan'yang balakang ang pagbaba at taas ng kamay ko. "F*ck!" ungol niya when he reach his c****x. Ang daming inilabas na katas ng alaga niya, halos hindi ko na alam kung saan ang iba tumalsik, bukod pa ang katas na umaagos ngayon sa kamay ko. Nandidiri ako sa sobrang dami at lagkit niyon. Napaisip tuloy ako bigla, kung paano nagagawang lunukin ng ibang mga babae ang ganun ng mga partner nilang lalaki. "Thank you Love," saad ni Charles bago ako hinalikan sa labi. Ngumiti lang ako sa kan'ya at hindi nagsalita. Dumukot s'ya ng panyo sa likod ng pantalon n'ya at pinunasan ang kamay ko, pagkatapos ay isinunod naman ay ang kan'yang alaga bago ibinalik sa loob ng pantalon. "Pasok ka na Love, aalis na ko. Ako na ang bahalang magsara ng gate n'yo," sabi niya. Tumango ako bago pumasok sa loob ng bahay at isinarado ang pintuan. Dali-dali akong umakyat sa k'warto ko at nagpunta ng banyo at naghugas ng kamay, sinabon ko 'yun ng mabuti. Hindi ko feel 'yung punas lang. Ng makontento ako sa paghuhugas ko ng aking kamay ay naghubad ako ng damit ko para maligo. Saktong paglabas ko ng banyo ay tumunog ang notification ng cellphone ko, tiningnan ko agad kung kanino galing ang text message. Si Danica ang nag-text kaya agad ko iyon binasa. "Beb, nakita ko 'yun, Hahaha!" napakunot ako ng noo dahil sa message niya. Dali-dali akong nag-type ng reply. "Anong nakita mo?" "Iyong mainit na tagpo ninyo ni Charles, grabe, p'wedeng gawin p**n movie!" reply niya sa akin. "Leche ka! Pa'no mo 'yon nakita?" text ko sa kan'ya. T*ngina naman! Nakakahiya! Naisip ko tuloy na paano kung hindi lang si Danica ang nakakita? Anak naman ng tinapa! Bakit ba niya iyon nakita? Ang alam ko ay nakauwi na s'ya kanina pa. "Hahaha, secret! Ang wild mo pala Georgie, kahit sa lalaki, akala ko sa babae lang eh," reply niya sa akin. Nahuli na rin n'ya kasi ako dati habang may ka-s*x na babae sa condo ko noon. May susi kasi kami ng condo ng isat-isa, kaya kahit kailan namin gusto pumunta sa condo ng bawat isa ay pwede, kaso malay ko ba naman na pupunta s'ya ng araw na iyon, napaka-wrong timing! Nakakita tuloy siya ng live show. "Baliw! Trip na trip mong panuodin akong makipag-s*x ah, baka naman gusto mong sa akin magpaalis ng virginity, sabihin mo lang," sabi ko sa text ko, baka sakaling tantanan niya na ang panunukso sa akin. "Hahaha, t*ngina mo! Napakabastos mo talagang babae ka! Ang i****t mong mag-isip na g*go ka!" reply niya sa akin. May pumasok pang text message sa cellphone ko kaya hindi muna ako nag-reply kay Danica at tiningnan ko kung kanino galing iyong isang text. "Good night Love , thank you 'uli," text ni Charles. Sa kan'ya pala galing iyong isang mensahe. "Welcome, good night," plain na reply ko. Magrereply na sana ako kay Danica ng nag-text 'uli si Charles, isa 'yung mms, binuksan ko 'yon at lumantad sa akin ang larawan ni Charles na walang saplot sa katawan habang hawak ng isa n'yang kamay ang matigas n'yang alaga. "T*ngina! Anong trip ng lalaking ito?" bulong ko. Hindi na ako sumagot kay Charles, parang tanga lang kasi, ano ba kami? Daig pa niya ang nakikipag-s*xmate para magpadala ng ganun larawan sa akin. Ipinasa ko ang picture ni Charles kay Danica. Tawa ako ng tawa ng mag-send na 'yun. Iniisip ko kung ano kayang magiging reaksyon ng bruhang 'yun pagkakita sa picture ni Charles. Ilang saglit lang ay nag-ring na ang cellphone ko, tumatawag na si Danica. "He_" "T*ngina ka Georgina!" sigaw niya sa kabilang linya, "Ang laki at ang haba pala talaga ng alaga ng boyfriend mo!" Natawa lang ako sa sinabi niya, grabe ang reaksyon niya, picture pa lang ang ipinakita ko paano kung personal. "Pa'no mo 'yun kinaya? Hahaha, t*ngina talaga! Kaya naman pala halos ayaw mo ng bumangon kanina dahil sobrang laki pala ng pumasok d'yan sa kweba mo!" sabi pa rin niya. "Ang saya mo Beb, nakakita ka lang ng manoy sa picture ay nagwawala ka na, paano pa kapag actual?" tanong ko sa kan'ya. "Naku Georgie! Kapag nakakita ako sa personal ng ganun kalaki at kahaba ay maghuhubo na ako at bubukaka, aba bihira sa lahi natin ang binibiyayaan ng gano'n ha!" tumatawang sagot niya sa akin. Natawa na lang ako sagot niya na akala mo naman ay totoo. Para namang hindi ko siya kilala, baka nga kumaripas pa siya ng takbo kapag nakakita ng ganun sa personal. "Weh?!" sabi ko. "Oo nga!" sagot niya, "Na-try mo na bang isubo 'yun Georgie?" tanong niya. "What?! Isubo? Hindi ako nagugutom para magsubo ng ganoon!" sagot ko. Ano bang klase ng tanong ng babae na 'to, nakakagulat, kung umiinom siguro ako ng tubig ay baka nasamid na ako. "Favorite raw 'yon ng mga boy's eh, kaya i-try mo rin Beb," sabi niya. "Ikaw na lang ang magsubo, sasabihin ko kay Charles, na isaksak sa ngala-ngala mo!" sabi ko, dahilan para humagalpak na naman sa pagtawa ang luka-luka kong kaibigan. "Grabe Georgina! Ang dami kong tawa sa'yo. Sige na good night, thank you for sharing the picture of your boyfriend. Bye!" paalam niya before she hang up. Napailing na lang ako sa kalokohan ng kaibigan ko na iyon. Virgin pero ang daming alam!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD