Georgina "Baby, hindi ka ba masaya na makita ako 'uli?" tanong sa akin ni Margaret. Nandito kami ngayon sa loob ng opisina ko sa coffee shop. Dito ko s'ya dinala pagkatapos mag-sink in sa akin lahat ng nangyari kanina. Nagulat talaga ako ng makita s'ya ngayon, lalo rito sa shop ko kaya naman natulala ako talaga kanina. Bumalik lang ako sa wisyo ng makita kong dali-daling umalis si Sabrina. Hayst! Kailangan kong magpaliwanag sa kan'ya, alam kong nasaktan ko s'ya sa nakita n'ya kanina. "Georgina, can't you hear me?" iwinasiwas ni Margaret ang isang palad sa mukha ko ng wala s'yang makuhang sagot mula sa akin. "I heard you," plain na sagot ko. Ano bang gusto n'yang marinig mula sa akin? Na masaya akong makita s'ya muli? Nah! Malabo 'yun! "Nadidinig mo naman pala ako, so bakit hindi ka