Sabrina "Anak, kanina pa kita tinatawag," sabi ng aking ina, "kakain na tayo." Noon ko lang s'ya napansin, hindi ko namalayan na pumasok pala s'ya rito sa dati naming k'warto ni Georgina. "Sorry po Nay, hindi ko kayo narinig," sagot ko. Nagpahid ako ng aking luha gamit ang aking kamay. Sisinghot-singhot akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa harap ng bintana ng k'warto. "Tara na po Nay," sabi ko. Lalampasan ko na sana si Inay ng hawakan n'ya ako sa aking braso. Hindi ako humarap sa kan'ya, hinintay ko lang magsalita ang aking ina. "Sabrina, anak, hanggang kailan ka ba magiging gan'yan? Magdadalawang linggo ka ng gan'yan, napapabayaan mo na ang sarili mo," sabi ni Inay sa akin. Muli na naman pumatak ang luha ko, hindi ko naman gustong maging ganito ako. Pinipilit ko naman ayusin ang s