Georgina "Come in," sabi ko, may kumakatok kasi sa pinto ng opisina ko. Hayst! Nakakatamad na talagang magtrabaho, buti na lang at last day ko na ngayon dahil papasok na 'uli si Tito Rey, natapos din ang walang hanggang seminar n'ya sa wakas! Makapagpa-fiesta kaya bukas?! "Hi Love, lunch na tayo," si Charles pala ang kumatok. May bitbit s'yang mga supot na may logo ng isang korean restaurant na one of my favorite actually. Inilapag n'ya sa ibabaw ng table sa may mini living room dito sa office ko ang mga dala n'ya. Tumayo na rin ako para lumapit sa kan'ya, dahil kanina pa ako nagugutom. Sa dami ng ginagawa ko hindi ko namalayan na lunch time na pala. "Thank you sa lunch Love," sabi ko. Kumapit ako sa braso n'ya at humalik sa kan'yang pisngi. Ang sweet n'ya kasi, laging may pa-almu