Sabrina "Magandang umaga po Inay," bati ko sa aking ina ng madatnan ko s'ya sa kusina. Kakagising ko lang ngayon, tanghali na kung tutuusin sa normal na gising namin dito sa probinsya. Sobrang napagod yata ako kahapon sa pamamasyal namin sa burol kahapon nina Vanessa. "Maganda umaga rin anak," bati rin ni Inay sa akin. Nagluluto siya ng champorado at pritong tuyo. "Si Allie, tulog pa?" "Opo, napagod din po yata ng sobra kahapon," sagot ko. "Huwag mo ng gisingin, 'wag na kayo pumunta sa bundok at ng makapagpahinga ang apo ko," sabi ni Inay, habang naghahalo ng niluluto. "Sige po," sagot ko. Kumuha ako ng tasa at naglagay ng mainit na tubig, magtitimpla ako ng kape. "Si Itay po?" "Pinauna ko na sa bundok at tanghali na, alas siete na kami nagising kanina," sagot ni Inay sa akin kay