Sabrina Nag-angat ako muli ng ulo ng madinig ko ang pagtunog ng wind chimes, tanda na may pumasok sa shop. "Ayiee! Hinihintay talaga n'ya," sabay-sabay na biro ng mga kasamahan ko sa akin. Kanina pa sila gan'yan, dahil nakikita nila ang lagi kong paglingon sa pinto t'wing may papasok sa loob ng shop. "Oi hindi ah! Napapatingin lang ako," tanggi ko naman sa kanila. Hindi ko naman talaga hinihintay, ang kulit nila. "Ay sus! Huwag kami Sabrina, halatang-halata ka naman," sagot ni Aya na ikinatawa naman ng iba pa naming katrabaho rito na nakikinig ng usapan namin. "Tss! Ewan ko sa'yo! Sa kitchen nga muna ako," sagot ko at umalis na roon. Kainis! Bakit ba nila ako tinutukso? Para naman silang mga bata, nahihiya na tuloy ako. Kumuha ako ng baso at naglagay ng tubig na malamig para uminom,