MARTHA YAKAP-yakap ko si Hector habang ako ay umiiyak. Hindi ko kayang tingnan ang mga tao na ngayon ay natitiyak kong nakatingin ng masama sa akin. Sa palagay ko ay puro panghuhusga at galit ang makikita sa kanilang mga mukha ngayon. Panay ang bulung-bulungan ang aking naririnig ngunit hindi na iyon ang mahalaga. "Baby, it's alright. You have chosen the right man, I love you." Niyakap niya rin ako at saka siya bumulong saka hinimas ang likuran ko. "Tatay, let's go, umuwi na tayo," wika ni Hercules na ngayon ay nakayakap naman sa hita ng kanyang ama. Napatingin ako sa anak kong umiiyak na rin habang nais na rin niyang magpabuhat sa ama. Lumingon ako sa kinaroroonan ni Hera Athisa dahil bigla siyang umiyak. Sa ngayon ay hawak na siya ni Maricris at alam kong talagang kinuha niya ang