MARTHA "MAIWAN ka na dito at kami na lang ni Hercules ang pupunta sa loob." Nasa 7Eleven kami ng San Gabriel ngayon at galing kami sa bahay nila nanay. At dahil umiiyak si Hercules sa dahilang nais na niyang makasama ang ama ay nagdesisyon si Arthur na dumaan sa store upang bumili ng makakain. Naiwan naman ako sa loob ng kotse at hinayaan silang dalawa. Ipinikit ko muna ang mga mata ko dahil inaantok pa ako. Hindi ko namalayan na lumapit sa akin si Arthur na galing sa loob ng store at mayroong ibinalita. "Your son is crying again. Hindi ko na talaga alam kung saan ako lulugar. I can't find a way on how to let him know na iniwan na sjya ng ama niya." Nasa tono ni Arthur ang pagiging galit dahil sa naging attitude ng anak ko. Wala akong magawa, actually, ilang araw nang ganito ang bata