MARTHA KINABUKASAN ay inayos ko si Hector. Hindi ko siya kayang damitan dahil mabigat siya at marami ring nakakabit na mga bagay sa kanyang dibdib kaya naman pinunasan ko na lang siya. Hindi ko pa rin matanggal sa aking isipan na habang tumatanda siya ay mas lalo siyang nagkakaroon ng s*x appeal. Sinilip ko ang kanyang pang-ibaba na natatakpan ng kumot. Nakasuot pa rin siya ng shorts at hindi ko alam kung kailan niya pa ito suot. Kaya naman naisip kong paapalitan iyon. Agad akong tumawag kay Madget na magdala ng kahit na anong maluwag na shorts ni Arthur upang sa ganoon ay iyon ang ipagamit ko kay Hector. Ang dala kong bimpo ang binasa ko upang sa ganoon ay gamitin ko itong pamunas kay Hector, sa katawan niya, dahil mayroon pa ring bahid ng dugo sa ilang parte ng kanyang katawan. Inuna