MARTHA TODAY is Hector's birthday. Dalawang araw na ang nakararaan nang dalhin niya ako dito. Alam niya na alam ko kung ano ang petsa ng kanyang birthday kaya naman ngayon ay maaga siyang nagising at nagluto ng almusal. I wanted to surprise him sa kahit na anong paraan. Iyon bang kahit simple lang, basta't mayroon man lang akong maibigay sa kanya. Naghuhugas siya ng kung ano sa lababo at dahan-dahan akong lumapit upang yakapin siya mula sa likuran. He is wearing a boxer shorts na kulay navy blue at wala nang pang-itaas. Niyakap ko siya mula sa kanyang likuran at halatang nagulat siya sa aking ginawa. Inilapat ko ang mukha ko sa kanyang likuran at nadama ko ang init ng katawan niya mula doon. "Good morning, happy birthday!" "Hey, babe. You surprised me!" Nakangiti niyang wika saka