MARTHA ISANG UMAGA na nagpunta kami sa isang bahay, bahay raw ng kanyang kaibigan noong college sila upang magbigay ng imbitasyon sa aming kasal. Sobrang naiinis ako dahil sobra rin ang pagiging close nila. Halos kada segundo na makikipag-usap siya kay Hector ay parati na lang nitong hinahawakan ang tuhod ng mapapangasawa ko at panay ang tyansing ng babae sa kanya. Siya naman itong parang wala lang at tawa lang ng tawa. Naiinis ako at wala akong imik na nakaupo lang hanggang sa magyaya na akong umuwi. "Tara na, marami pa tayong pupuntahan para bigyan at imbitahan." Tumayo lang ako at civil na nagsabi nito ngunit sa totoo lang ay nais ko nang kalbuhin ang babae sa sobrang pagiging obvious nito. Babae rin ako at alam ko ang ginagawa niya, alam na alam ko iyon at iba ang nararamdaman ko