Welcome to NAIA Philippines. Sa wakas pagkatapos ng tatlong taon na pagtatrabaho sa Saudi Arabia bilang isang Engineer ay nakabalik rin siya ng bansa. Connecting flight siya patungo ng CAAP Surigao airport. At sa kagaya niyang matagal na nawalay sa ina at kapatid ay naging kainip-inip pa ang dalawang oras at bente minutos travel. Kaya’t nang lamapag na sila ay hindi pa man lang nakakahinto ang eroplano tumayo na agad siya. Inabot sa uluhang compartment ang kaniya backpack at naghanda sa pagbaba. Diretso sa Claim Baggage Area para sa dalawang malaking maleta. At ang 70-inches smart tv ang kaniyang dala. Talagang sinadya niyang bilhin ang tv dahil mas mura ang appliances or gadgets sa bansang silangan. Ilalagay niya iyon sa living room ng bahay niya sa isla. Para kung sakaling uuwi doon ang

