“Lath anong nangyari bakit nakatakas ang kriminal?” “Iyon rin ang nakakapagtaka, ang daming pulis sa jail na yon bakit sila nalusutan unless may kapit na pulis sa loob.” “Detective alamin mo kung sino ang pulis na traydor.” “Ako na ang bahala doon, bigyan mo ako ng tatlong araw.” “Salamat, yong mga ebidensya ng kaso ni Paul Llamas ibigay mo sa akin.” “Nasa email mo na yon lahat boss pati na ang cctv at bukas ay dadalhin ko sayo ang usb at CD files.” “Sige salamat.” Agad na tinawagan niya si Amirah ngunit hindi niya ito makontak. Kaya ang ginawa ay tumawag sa ina ng kaibigan para bigyan ng warning ang mga ito. “Tita, huwag kayong masyadong maglalabas dahil nakatakas po si Eunice Hernandez. At gusto ko rin sabihin sa inyo na mag ready kayo dahil sisimulan na ang kaso ni Paul. nasa ak

