Two year later… “Inay bilisan na natin at late na tayo.” “Anak, kinakabahan ako sa maaaring maging reaksyon ng kapatid mo.” “Wala na tayong magagawa, mas mabuti na ang malaman na niya ang katotohanan. At kung talagang hindi na niya mahal si Ate Laurice at least nasabi natin ang totoo.” “Inay, sumakay na po kayo at baka sa halip na mapigilan pa natin si Kuya ay hindi na.” Nag ring mobile phone ni Paul kaya inihinto muna niya ang sasakyan sa gilid at sinagot iyon. “Yes, baby?” “Hindi ko alam kung makakarating si Laurice, ayaw niyang pumunta riyan. Hindi niya raw kayang masaksihan ang tuluyang pagkawala ng Kuya mo.” “Baby, isama mo siya pilitin mo dahil ito na ang huling chance nilang dalawa. Maghihintay ako sa entrance ng Shangri La Plaza Hotel.” “Okay, ingat love.” “Ikaw rin baby