Lihim na napangiti si Jonas dahil sa reaksyon ng pinakamamahal niyang babae. Simula noong nabulag ito ay hindi na niya ito nakita pang muli. At ngayong may pagkakataon siyang makapiling itong muli ay gagawin niya ang lahat upang mabuo na silang mag-anak. He, his love Laurice and their child. "Alam mo bang miss na miss kita? Sa mga taong hindi kita nakikita ay wala na akong ginawa kundi ang mangarap ng ganitong pagkakataon. I really miss you, Mahal." Lumapit siya sa kinatatayuan nito at hinawakan ang magkabila nitong pisngi saka idinikit ang noo niya rito. Ngunit dahil kinakabahan siya na hindi malaman kung paano kikilos at hindi na rin siya makasagot. Idagdag pa ang amoy ng shower gel na ginamit nito ay para siyang na hipnotismo. At ngayon ang naramdaman na lang niya ay ang pagkaka diki

