Part Forty-three “Hi, beshy ko.” Casey raised her chin when Empress greeted her. Mula sa binabasang diary ng ina ay nawala ang konsentrasyon niya. Pinahid niya ang luha at sapilitan na ngumiti sa kaibigan. “H-Hi beshy.” She meekly greeted back. Nawala ang ngiti ni Empress nang makita na umiiyak siya. Ni nakapagbihis siya ay hindi pa. Alas onse na ng tanghali pero nakadamit pantulog pa siya at kahit nakapagsuklay ay hindi. Nasa bedside table niya ang baso ng gatas at ang isang bowl ng grapes pero hindi niya ginagalaw. Wala na naman siyang ganang kumain. Halos isang linggo na ang nakalipas simula ng masumbatan niya si Miggy at may mga pagkakataon na nasisilip niya sa labas ang binata, naninigarilyo, malayo ang tingin at paminsan a