Part Forty-one “Yaya Loring?” Tawag ni Casey sa matandang yaya habang nakahawak siya sa hamba ng pintuan ng kwarto niya. Nakaramdam siya ng hilo nang bumangon at baka kulang siya sa dugo. Alas diyes na ng umaga pero bumubuhat pa lang siya. Katatanggap niya kasi ng tawag na open na ang eskwelahan para sa summer class. It’s April and she must take it. She needs it but she’s feeling so indolent. Tinatamad talaga siya at pakiramdam niya ay napapagod siya kahit wala naman siyang ginagawa. “Oh? Nandito ako iha sa basement. Inaayos ko ang mga libro mo rito. Ang gulo kasi.” Sagot noon kaya ngumiti siya. Natutop niya ang noo at saka umiling. “Baby, are you okay?” Tanong ni Miggy kaya napaayos siya ng tindig. May hawak pa itong syanse at mukhang nagluluto. “Ano ‘yan?” Natatawang tanong niya.