Part Thirty-five “Anong sabi ng pulis?” Tanong ni Queen kay Casey habang nakapangalumbaba sila sa iisang mesa. Iniwan siya ni Miggy sa pulisya kasama ang mga kaibigan niya dahil may lalakarin daw iyon. Dinaig pa nga niya ang isang anak ng pulitiko sa higpit ng security na binayaran ni Miggy. Bukod sa obligasyon kasi ng mga pulis na talagang bantayan siya sa loob ng building ng PNP ay binayaran pa ng binata ang mga off duty na pulis para raw mas lalong ganahan na magbantay sa kanya habang wala ito at may inaasikaso. “Ang sabi ng pulis ay lumabas sa lab tests na may drugs sa blood sample no’ng lalaking nabaril ni Miggy.” Sagot naman niya. “M-Miggy na lang ang tawag mo kay Tito?” bungisngis ni Em-Em. Pati ba naman iyon ay napansin pa rin talaga ng kaibigan niya? Kumikislap pa ang mga