Part Thirty-nine Casey walked toward Miggy. Masakit ang pinakasentro niya pero hindi niya ipinahahalata. Pagod siya simula kagabi at buong maghapon dahil balikan sila ni Miggy sa Angeles City para bisitahin ang puntod ng mga mahal niya, pagkatapos ay diretso sila sa simbahan. Napabilib siya dahil totoong relihiyosong tao ang binatang militar pero hindi halata. Para iyong Santo na minaltrato sa loob ng simbahan kaya natatawa siya kanina habang nakikinig ng misa. Bagay na bagay sa matang malamlam ang maging sakristan. Iyon ay kung tatanggapin pa kasi ay mashunda na nga. At tawa rin nang tawa ang Mommy ni Miggy nang ikwento niya dahil noong bata raw ito ay ipinasok nga sa seminaryo para lumambot nang kaunti ang ulo pero nang-uumbag daw ng kapwa sakristan kapag napipikon at naninilip pa sa