Part Twenty-four Casey sleepily yawned when she felt her neckwas aching. Kinakalabit siya ng yaya Loring niya sa tuhod kaya nagising siya mula sa pagkakatulog. “Anak, gising. May mga pulis na bagong dating.” Anang matanda sa kanya kaya kaagad siyang napamulat. Napalinga siya sa paligid at hinanap kaagad ng mga mata niya si Miggy. Nawawala ang binata samantalang nasa tabi lang niya bago siya mapaidlip, nakasandal pa nga siya sa katawan nito dahil doon siya nagiging komportable. Halos lahat ng tao sa loob ay tulog na sa mga kanya-kanyang upuan at ang yaya na lang niya ang gising. “S-Si Tito Miggy po?” Kaagad niyang tanong at kaagad din na gumaralgal ang boses niya. Baka iniwan na siya nito at hinayaan na mag-isa. Natatakot siya nang husto sa pag-iisip na wala na ang isang defender