Chapter 33 KAARTEHAN, iyon ang tamang salita na maglalarawan sa ginawa ni Agent Bola. Ngayon ni Lhauren nakukumpirma na ang lalaki ay babaero dahil naghahanap talaga ng magandang tagapag-alaga. Kung hindi lang masama, ipalilipat na niya ng ospital ang lalaki. Napakaarte naman pala bakit dito pa dinala-dala ng kanyang Daddy? Wala siyang panahon na magpalit ng damit. Nakapaghugas na siya ng kamay at nag-disinfect. Kinuha niya ang tray na may bagong mga karayom. “What did Doctor Gachalian say?” tanong niya sa naka-duty na nurse. “Wala po si Doc, nagra-rounds pa. Mukhang hindi naman mapapasunod ang pasyente kahit ng doktor.” My God. This bola is so hardheaded. Naiiling na nagmartsa siya at nakita ang dalawang gwardiya sa may pinto. Walang katok o paalam na biniksan niya ang pin

