Chapter 41 Ilang araw ang lumipas na hindi pumalya si Lhauren sa pag-aalaga kay Jace. May mga pagkakataon na napapabayaan niya ang anak nila sa Yaya Betchay niya pero iniisip na lang niya na ama naman ni Jadon ang inaalagaan niya kaya ayos lang. Parang sa mga araw na yun na lumipas ay naibabalik niya paunti-unti ang buhay ni Jace at malapit na niyang sabihin dito ang tungkol sa bata. Lhauren wondered why the cashier looked past her. Titig na titig ang babae sa likod niya kaya agad siyang napalingon. “Jace?” sambit niya. Hinawakan siya nito sa baywang saka siya marahan na hinila kaya napasinghap siya. “Isn’t done yet?” “Not yet. Naiinip ka na ba?” “Hindi naman, medyo excited lang.” She smiled and nodded. “It’s okay, Ma'am Lhauren. I’ll just process the record. You can leav

