Chapter 49.2 NOOOO!!! Malakas na hiyaw ni Lhauren sa kanyang isip. Hindi siya tumanda para lang manghina at panoorin ang kanyang anak na mahuhulog sa hagdan, dahil sa hayop na lalaking palagay niya ay may tama sa utak. They deserve a happy life better than this. Buong lakas si Lhauren na nagpumiglas. Hindi niya alam kung alin ang uunahin niyang kunin, kung ang baril ba o si Jadon, pero si Jadon ang kaisa-isang dahilan kaya siya nanlalaban. Aanhin naman niya ang kamatayan ng lalaking ito kung mawawala rin ang anak niya sa oras na mahulog sa matarik na hagdan. She has to save her child’s life. Hindi porke at agent ang kanyang mapapangasawa ay parati na lang siyang aasa. She has to stay strong and be brave. Buong pwersa siyang nanlaban, at nang lumuwag ang pagkakahawak ni William sa k

