Chapter 47 AYAW na ipahalata ni Jace ang tensyon na nararamdaman niya sa sinabi ng kanyang ate Sidney pero ngayon ay narito siya at masinsinan na nag-uusap sa labas ng bahay. Nasa labas sila ng gate, nakatayo sa may van ni Royce. Naroon ang dalang mga papeles ni Sidney. “Please don’t tell this to Lhauren, ate,” aniya sa kapatid. “That’s what I’m doing. Baka nerbyosin yung bata kapag nalaman ito. Hindi pa rin ako makapaniwala na Tita na ako, sa dami ng babae mo noon, si Lhauren lang pala ang mabubuntis,” natatawang sabi nito sa kanya habang kinukuha ang envelope. “Aw. That’s so wrong. Binuntis hindi nabuntis. That makes a huge difference, Ate.” “Oo nga pala. Eto na. Tingnan mo itong mabuti.” Sinunod niya ang sinabi nito nang mabuksan niya ang envelope. Dalawang tao ang nakita

