Utang

1518 Words
Chapter 6 Utang Ethan's p.o.v. Malayo pa lang tanaw ko na ang kapatid ko.. nakabusangot siya, napagod yata sa kalalakad? Ayon sa text niya, She's the new Secretary of the Chief executive officer of this company kaya medyo nakapagtataka. Hindi naman sa wala akong bilib sa kapatid ko, pero sa ugali meron siya? May pagka childish kasi yan minsan. Hindi naman ako nahirapan na mahanap ang post niya, pagkatapos kung tanungin ang security guard ay kaagad kong nakuha ang sagot niya ni hindi nga nagdalawang salita. Kilalang-kilala na nung nagbabantay na gwardiya ang kapatid ko. Hindi maipagkakailang kapatid ko siya, carbon copy ko kasi. Female version nga lang. Pero teka.. sino iyong lalaking nakabuntot sa kanya? Gentleman a, tingin ko lahat ng gamit niya, ang kapatid ko ang may dala? Di kaya pinagloloko lang ako nitong si Marcelina? Secretary ba talaga siya rito? O dakilang P.A.? Naging unano sa paningin ko ang kapatid ko. Bukod pa sa malaking tao ang lalaking nakabuntot sa kanya, e di rin matatawaran ang katangkaran nito. Ka gandang lalaki pa. Kung ito ang boss niya, bakit nakukuha ng kapatid ko na makipagtalo rito? Nalilito ako, sa reaksiyon kasi nila parang may pinagtatalunan sila. Yan ba talaga ang boss niya? Paano kaya to nakumbinsi ng kapatid ko?  Sa tingin ko naman matalino siya, halata naman sa hitsura niya. Umayos ako ng upo at kunwari hindi ko sila nakikita, malapit na kasi sila sa mesang inuukupahan ni Marcelina. "Have you write the details? " Tumango naman ang kapatid ko.. "Good. E-mail it to me, at pag-iisipan kong mabuti ang business proposal ni Mr. Mariano. By now, back to your post.." Tumango ulit ang kapatid ko. Kumpirmado ito nga ang boss ng kapatid ko. Tsk, paano kaya talaga nakumbinsi ng kapatid ko ang adonis na lalaking to? "K-kuya??" ------------------ Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Marcelina at sa lalaking kayakap niya. Nanatili akong nakatayo sa puwesto ko, naghihintay kung anong sunod na magaganap. "K-kanina ka pa?" Humilay na siya ng yakap dun sa lalaki. Nanatili akong tahimik. "Good Morning, ho." Hindi ko inaasahan ang pagbati niya. Ngayon ko lang napansin, magkamukhang-magkamukha sila ni Marcelina. Ito ba yung kapatid niyang mahilig mambatok sa kanya? Parang gusto ko rin siyang batukan ngayon. Tinanguan ko siya. Still, not making any movement. Kahit tumayo ako buong maghapon sa harapan nila, wala silang pakialam. Ako ang boss dito at pag-aari ko ang buong building na to. It may sound rude but who cares? "Sir, si Kuya Ethan nga po pala. Kuya, boss ko. Mr. Raphael Clyde De La Cerna." I crossed my arms, and not intentionally look around. I walked towards to my employees direction. Matagal-tagal ko na ring di nagagawa to, matingnan nga kung totoong may pinagkakaabalahan sila. --------------------- "Pagpasensiyahan mo na yun a? Medyo suplado kasi yun. Pero, mabait naman yun." Umupo ako sa puwesto ko paharap kay Kuya, "Pansin ko nga, nagselos yata sa akin e, nung niyakap mo ako. Parang sasapakin pa ako." Natawa ako sa sinabi ni Kuya. "Hay naku Kuya, umiral na naman yang ka-kengkoyan mo. Sinasabi ko sayo. Hindi ako ang type nun, maraming girlfriends yun. Narinig mo? "Girlfriends."" Emphasizing the last word. Umismid si Kuya.."Batukan kita diyan e," Nilapit ko nang kunti ang ulo ko sa kanya. 'Wag ka kuya, alam ko namang di mo gagawin. Madami kaya ang tao. "Matapang ka lang kasi, maraming tao dito.." Inilibot niya ang paningin sa buong paligid, "At saka baka biglang bumalik ang boss mo, magtawag ng security, di kawawa naman ako." See? Natawa uli ako sa sinabi ni Kuya. Di niya talaga ako babatukan, sa bahay lang nagaganap ang ganoong eksena. "Sira ulo," tipid na sabi niya. At ngumiti. Sa totoo lang nakaka miss ang kulitan namin. Tumikhim ako. Nakakailang pero, kaninang-kanina pa ako nagtataka. Kasi, pakiramdam ko may problema... "Amm-- K-kuya," ito na. "Ba't nga pala napaluwas ka?" Sinserong wika ko. Hindi naman luluwas ng Manila si Kuya kung hindi rin lang mabigat ang dahilan niya. Lumungkot bigla ang mukha ni Kuya. Hindi ako sanay na ganyan ka-lungkot ang mukha niya. Mas sanay akong inaasar at binatukan niya, parati. "Pasesiya ka na bunso a," Simula niya. Pakiramdam ko. Unti-unti nang humihiwalay ang puso ko sa katawan ko. Nakakapanghina ng loob ng banggitin niya na ang  palayaw niya sa akin.. parang kinurot ang puso ko. Ma- pride kasi itong si Kuya, hangga't kaya niyang hanapan ng solusyon ang problema gagawa siya ng paraan malutas lang to. Sa nakikita ko ngayon, nahihirapan talaga siya. "Said na said na ako. Ubos na rin ang konting naipon ko sa bangko. Nangutang na nga lang ako ng pamasahe." Hinawakan ko ang kamay ni Kuya at marahang pinisil. Paano ko ba sasabihin sa kanyang, kasisimula ko lang din sa trabaho? Ayaw ko naman siyang bigyan ng alalahanin. "Bukas ka na umuwi, Ako nang bahala." Sabi ko na lang.. Nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko.. nagkaroon ng pag-asa. "Ang pangit ng mukha mo Kuya. Ang pangit mo pala kapag ka, malungkot ka." Mahina siyang tumawa, "Sira." Pasimple niyang pinahiran ng luha ang gilid ng mga mata niya. Napabuntong-hininga ako. Akala niya siguro hindi ko napansin yun.. Bibihirang mangyari ang ganitong pagkakataon. Hirap na hirap na siguro siya. Haaay.... Sana naman makita ko kaagad si Rico, a.k.a. Rica. Kababata ko yon at naunang lumuwas sa akin, Editor siya sa isang newspaper company. Medyo malaki ang sahod. Mabait yun at tiyak kong hindi ako hi-hin-di-an nun. "Pasensiya na talaga, wala na kasi akong ibang malapitan. Na dengue kasi si Mariella,." Si Mariella ang panganay ni Kuya. Grade five na ito sa susunod na pasukan. "Halos araw-araw, lumalaki ang hospital bills. Tapos, yung maintenance pa ni tatang. Nagrereklamo na nga si Ate Cindy mo,.." Bumuntong-hininga siya bago nagpatuloy. "Hirap na raw siya sa pag ba- budget. Hindi pa na grant ang ni-lo-loan ko sana sa kompanya. Naiintindihan ko naman sila kasi, nakasanla yung lupain natin. Kailangan ng collateral---" Nag-aalala akong tumingin sa mukha niya.. Malaki na ang ipinagbago ni Kuya, nabura na ng panahon ang pagiging palikero niya. Saksi ako, noong nagbibinata pa lamang siya, iba't-ibang babae ang dinadala niya sa bahay o kung di man ang mga babae pa mismo ang pumupunta sa bahay. Ngayon, ang nakikita ko sa kanya. Isang responsableng ama, mapagmahal na asawa, at may paninindigan sa pamilya. Malayung-malayo na siya kumpara sa dati. "Gusto nga sanang i-grant ng manager. Kaso, ako na ang kusang umurong. Unfair naman yon para sa iba, hindi ko kasi ma-contact si Conradd---," Saglit akong natigilan sa sinabi niya.. "B-bakit nasali si Conradd sa usupan?" Kuno't-noong tanong ko. "Sa kanya ako mangungutang," Binatukan ko nga si Kuya, at malakas yun. At ang nakakainis tinawanan lang ako. "Ito naman, di na mabiro. Nakalimutan mo na ba, galit ako dun? Masyadong paasa." "Isa pa talaga Kuya," Tapos, tawa na siya ng tawa ulit. Baliw talaga. Alam talaga niya kung paano ako asarin. --------------- Kanina pa ako nagkukubli sa isa sa mga cubicle ng empleyado ko. Hindi ko ugaling makinig sa usapan ng ibang tao but damn this curiosity! Kahit mahina ang boses nina Marcelina, rinig ko pa rin mula rito sa pinagkukublihan ko ang naging usapan nila. Mula sa seryosong pag-uusap, hanggang sa umabot sa batukan. Nakita ko kung paano binatukan ni Marcelina ang kapatid niya. Ganun nga talaga kalakas ang epekto ng lalaking yun sa kanya.. 'Conradd...', That was the guy's name? Mahal pa nga niya siguro ang lalaking yun. Hindi pa rin  kasi niya makalimutan hanggang ngayon. Mabuti na lang at seryoso ang pinag-uusapan nila, hindi nila ako napapansin.. "Do your work well..." Sabi ko sa empleyado ko.. the one with his thick eyeglasses. Tumango naman ito at na alarma sa sinabi ko. This is bullshit! Ako ang nagmamay-ari ng kompanyang ito, pero bakit ba kailangan kong magtago? Really? Magtago talaga? Fuck! "Come inside.."  Walang likod-lingon kong sinabi kay Marcelina. Nahuli kong nagkatitigan sila ng kapatid niya. --------------- Napahalukipkip ako sa kinauupuan ko. Pagkatapos niya kasi akong aluking umupo. Pumasok din naman siya kaagad sa pribadong silid niya at hanggang ngayon hindi pa rin lumalabas. Haisst.. ano naman kayang ginagawa ng boss ko dun sa loob ng pribadong silid niya? Puro 'come inside', at 'have a seat' na lang lagi ang linya niya. Wala na bang iba? Napaismid ako. Kawawa naman si Kuya, baka naiinip na yun. Bumukas ang pintuan ng silid niya. At napansin kong may hawak-hawak siyang kulay brown na sobre. Medyo may kakapalan nga e. "Here... ipadala mo sa Kuya mo.." Sumulyap ako sa hawak niyang sobre, at pagkatapos ay sa kanyang mukha. "Accept it before I change my mind," Muli akong tumingin sa mukha niya. Seryoso naman siya. Nagdadalawang-isip ako kung aabutin ko ba o hindi iyong makapal na sobre. "Bilis na, nang hindi na lumaki ang hospital bills nila. At ng maibili na rin niya ng pang maintenance na gamot ang Dad niyo." Narinig niya? Sa halip na abutin ko yong sobre, niyakap ko si Sir Clyde.. ewan ko ba dala siguro ng labis na kaligayahan naiyak pa ako.. 'Utang to. Babayaran ko rin ho Sir, at pagsisikapan ko pang lalo ang trabaho ko..' I say, but only to myself...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD